~~~~~
"Renz diba may motor ka?"
"Oo bakit?"
"Bakit hindi mo ginagamit?" tanong ko.
Andito kami sa labas, inaantay namin sila ma'am bago kami umalis."Ginagamit ko minsan, gusto mo ba gamitin natin?"
"pwede ba?"
"Oo naman-"
"pwede mamaya?" tanong ko agad sa kanya
"mamaya gabi? Delikado. Bakit may pupuntahan ka ba?"
"Please na, kahit ikot mo lang ako. Tsaka makadelikado ka parang hindi ka naman sanay mag drive pag gabi"
"Mag-isa lang ako pag nag d-drive ng motor. Pero kung kasama kita baka mabilis pa satin yung pagong hahahah"
"Oa mo naman! Sanay ako umangkas-"
"Kaya pala nagkanda sugat sugat ka noong umangkas ka kay David"
"Oy iba yung angkas sa pagbaba ko, basta iba yun hahahah"
"Renz...tingin mo ba magtatagal tayo-araaay!" ang sakit gago, nagtatanong lang ako bigla na lang nangpipitik sa noo
"para san yun-""Hey love birds! Kala namin umalis na kayo" sabi samin ni Aj. Kalalabas lang nila.
"Salamat sa inyo, sige na pwede na kayo umuwi"
Nagpaalam na kami kay ma'am.
May sasakyan si Renz kaya sabi nya sya daw maghahatid sa lahat. Hindi na kasi makakabalik si Sir Jc dito."Nadia pumayag na pala si ma'am na mauna tayo, para hindi na natin kailangan pumila" sabi sakin ni Micah
"Kayo din? Hindi ba kayo pipila ni Red?" tanong ko sa kanila
"Ayaw namin hahahah, maarte kasi tong si Red"
"Pwede ka namang pumila Micah"
"Red wala akong partner, kung pwede lang kasing pumasok nang wala e"
"kaya nga" sang-ayon ko sa sinabi ni Micah
"Gusto mo sunduin na kita Nadia?" tanong ni Red, napatingin naman ako sa katabi ko.
"Ay sorry Renz, ikaw pala susundo kay Nadia-""Hindi Red, mauuna ako dun kesa kay Renz. Hindi sya papapasukin sa mismong hall" paliwanag ko, tumingin naman sakin si Renz, nginitian ko na lang sya hahahah
"Sinong maghahatid sayo dun Nad?" tanong ni Aj
"Si papa. Baka mag insist na din sya na sya talaga maghatid sakin" sagot ko.
Noong socialization namin noong grade ten si papa ang naghatid sakin sa school, hindi nya palalagpasin tong prom. Alam kong sya maghahatid sakin.
"Renz dito na lang kami, wala ka nang lalabasan dyan pag pinasok mo tong sasakyan" sabi ni Red, hininto na ni Renz ang sasakyan.
"Kayong dalawa?" tanong ni Aj
"Oo, magkapitbahay lang naman kami...bye. Thank you Renz!"
Nagpaalam na din ako sa kanilang dalawa. Hinintay pa ni Renz na mawala sa paningin namin sila Red bago nya pinaandar ang sasakyan at tsaka hinatid na si Aj.
Umuwi din muna ako para magpalit ng damit. Kumuha ako ng short at isang over sized-shirt. Pagkatapos ko magbihis bumaba na din ako at pumasok na sa sasakyan.
Gusto ko lang talaga sumakay sa motor, alam kong hindi papayag si Renz kung kay Eman ako sasakay, edi sa kanya na lang. Wala naman talaga akong balak puntahan, gusto ko lang umikot, basta kahit saan pumunta.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020