Kabanata 56

49 2 3
                                    

~~~~~~

Gusto ko sanang pumasok at wag na panoorin pero ayokong magmukang kawawa at malungkot ngayon. Sayang yung ganda ko kung mag d-drama lang ako. Ako ang bida dito Angela hindi ikaw.

Pinanood lang namin sila na magsipasukan. Ang gaganda nila. Ang saya nila tingnan sa screen.

"Nadia, nakita ka na ni Renz" sabi sakin ni Red. Hinanap ko kung san sila naka pesto ni Angela sa may bandang unahan sa gilid. Nakita ko si Renz na nakatingin sakin. Hindi ko alam kung ngingitian ko sya o ano. Naiinis pa din ako dahil sa ginawa nila ni Angela. Inalis ko na lang muna yung tingin ko sa kanya at binalik sa screen. Nakita ko na sila Val magkakasunod lang silang lahat, sina Arian at sila David. Ang ganda nilang tatlo. Sobra. Si Aj kinawayan pa ko dito. Alam nyang andito ako taas. Kinawayan ko din sya.

"Hindi ako yung jowa Nad, pero ako yung naiilang sa tingin ni Renz" sabi sakin ni Micah, para mapatingin ulit ako kay Renz. Mukang hindi nya tinaggal ang tingin nya sakin.

"Yaan mo sya...hindi din ba kayo kasali sa cotillion?" tanong ko sa kanilang dalawa, malapit na matapos yung sa entrance susunod na yunh cotillion.

"Si Micah lang" sabi ni Red

"Oo nga pala. Baba na ko. Kayo hindi pa kayo bababa?"

"Baba na din" sabi ko. Pumasok lang ulit ako sa room para ayusin yung sarili ko. Maganda pa din ako.

Sumunod sakin si Red, pumunta agad kung nasan yung wine. Bigla nyang tinapon sa lababo

"Sayang Red"

"Mahirap na baka laklakin mo talaga hahahah"

"Hindi a, pero sayang talaga. Labas na ko" sabi ko pero pinigilan nya ko.

"Wag ka na dyan dumaan, nakita ko si Renz dumaan sa likod sa may gilid, palabas. Dito ka na dumaan sa harap. Mukang ikaw ang pupuntahan nya. Hindi kayo pwedeng mag-usap dito baka makita kayo ng teacher" paliwanag sakin ni Red. Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi nya. Lumabas na ko. Sumakay din ako ng elvator. Pagbukas ng elevator nakita ko si Renz na nag-aabang ng elevator, paakyat? Tama nga si Red aakyat sana si Renz.

"Nadia" tawag ni Renz sakin. Oa na kung Oa pero gusto kong buhusan ng alcohol yung dibdib nya tsaka yung kamay nya.

"Renz d-deretsuhin na kita. Naiinis ako sa ginawa nyo kanina ni Angela. Sobra Renz. Parang mag jowa lang a. Ano yun pre nup nyo? Alam kong si Angela ang may pakana nun pero bakit mo sinunod? Pwede naman huwag mo nang kapitan. Renz ako to o, girlfriend mo. Makikita ko kayo ng ex mong hindi maka move on na gumaganun?Renz nagseselos ako. Selos na selos" sabi ko sa kanya, hindi ko alam kung san ako nakakakuha ng lakas ng loob na sabihin lahat ng to sa kanya. Kasalanan to ni Micah.

"Sorry...Ginawa ko yun para matahimik sya, sinunod ko para matapos na agad, love sorry"

"Hindi sa lahat ng oras kailangan mo syang sundin. Renz wala syang magagawa kung ayaw mong gawin yun, alam nya sa sarili nya na ex mo sya at wala na syang karapatan sayo. Pero sa ginagawa mo, parang pinapakita mo lang sa kanya na may karapatan pa sya sayo"

"Inaamin ko na mali ako. Mali yung ginawa ko. Sorry... Please ayokong pag awayan pa natin yun. Ayokong mag-away tayo" mahinang nyang sabi, para bang pagod na pagod yung boses nya. Unti unting lumapit sakin si Renz. Hinawakan nya yung dalawa kong kamay

"Sorry na...Pangako wala nang mangyayaring ganun-"

"Dapat lang"

"Sorry love, ayokong saktan ka. Ayokong sirain yung gabing to para sayo. Sorry" sabi sakin ni Renz at niyakap ako. Dinampian nya din ng halik ang noo ko.
"love?"

"Bakit?" naghihina kong sabi, hindi ko na talaga makilala sarili ko. Bakit habang tumatagal, mas lalo akong nanghihina kay Renz, para bang kahit anong gawin nya, sabihin nya bakit nagiging okay sakin agad?

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon