Kabanata 54

26 2 0
                                    


~~~~~~

"pa sino pala sila?" tanong ko kay papa, pag baba ko kanina aalis na pala sila.

"Si Hannah, bestfriend ko... Mula highschool kaibigan ko na sila, sila ng asawa nya, yung kasama ni Hannah, si Dioshua"

"Ahhh, ngayon ko lang po sila nakita"

"Alam ko naipakilala ko na sya sa inyo... Hindi mo ba natatandaan si Dioshua, nagkilala na kayo medyo malaki na kayo"

"Hindi po e, pero kapag po nakikita nya ko gaya kanina tinatawag nya ko. Baka nga po nagkakilala na kami pero hindi ko po sya talaga maalala" paliwanag ko kay papa. Wala naman kasi akong inatupag dati kundi si Renz lang, pero noong bago ko mapansin si Renz wala lang, wala din akong inaatupag lagi naman sila Val ang kasama ko.

"Sige na nak, kailangan ko nang umalis. Sure ka bang okay ka lang dito?"

"opo pa, sige na po ingat!"

Pag kaalis ni papa kumain lang ako at naglinis. Pumunta na ulit ako sa kwarto ko.

Pinipilit ko nang alisin sa utak ko lahat ng narinig ko kagabi, lahat ng sinabi nya pero, mukang ganun nga talaga, kailangan pa din ng panahon, ng time para makalimutan ko lahat lahat.

Kahit libangin ko sarili ko sa kung ano ano bigla bigla ko na lang naaalala.

May mga tao talaga na may mahal na nga, may nagsusukli na nga sa pagmamahal nila, maghahanap pa ng iba.

Nakakainis, hindi ba sila marunong makuntento? Tapos hihingi sila ng tawad dahil sa kagaguhan nila? Sa totoo lang para sakin, hindi nila deserve ng tawad, hindi nila alam kung gano kasakit yung ginawa nila. Hindi yun kasalanan na nasagi ka lang e madadaan na sa sorry. Hindi ganun e. Sobrang sakit. Sobrang sakit lalo na sa taong iniwanan, wala man lang kaalam alam na may iba na pa lang minamahal yung mahal nya.

Nakakainis lahat sila. Sinusumpa ko talaga silang lahat.

Pwede naman kasing magmahal lang, magmahalan sila, hindi kailangan ng iba, hindi kailangan may kahati.

Sa panahon ngayon, panigurado mahirap magbigay ng pagmamahal, hindi mo kasi sigurado kung ikaw lang ang mamahalin nya hanggang dulo, baka kasi sa una ka lang, tapos magagaya ka sa papa ko na tinapos agad, e hindi pa nga katapusan ng mundo.

Mahirap ding magmahal sa mga taong hindi pa pala tapos magmahal.

Hindk ko alam kung ilang oras na kong nakatunganga dito sa kwarto ko. Wala akong balak gawin. Tinatamad ako. Nakakatamad.

Pinahsisihan ko na hinayaan ko syang magsalita sa harap ko. Buong pagkatao ko ginulo nya.
Ginulo nya lahat. Hinding hindi ko sya mapapatawad.

Napabangon lang ako dahil sa tunog ng phone ko. Nakita ko yung pangalan ni Renz.

"Hi?" pagsasalita ko

"I miss you"

"e?"

"Hindi mo ko masisisi love, mahal kita e. Nakakapanibago pag wala ka dito sa school" paliwanag ni Renz, medyo maingay yung background nya.

"Walang pinagbago yun, e dati nga hindi naman ako nag eexist sayo. Edi dapat sanay ka na sa mga ganyan...na hindi mo ko nakakasama-"

"Iba yun, mahal kita ngayon"
dati hindi, kung hindi kayo naghiwalay ni Angela baka hanggang ngayon hindi parin ako nag eexist sayo

"love?"

"ha? Sorry may iniisip lang" sabi ko sa kanya

"Yung kagabi ba?-"

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon