Kabanata 37

30 3 0
                                    

~~~~~~

Umuwi ako mag-isa sa bahay. Pagdating ko sa bahay mag-isa pa din ako. Wala ba silang balak umuwi?

Umakyat na ko ng kwarto, nadaanan ko yung kwarto nila mama gusto sanang buksan pero ayoko, pagod na ko.
Pumasok na lang ako sa kwarto, inaantok ako pero hindi ako matulog, madaling araw na.

Nakatulala lang ako sa kisame, alas dos na, na may narinig ako paparating na sasakyan. Tumayo agad ako at sumilip sa bintana.

Ibang kotse, hindi samin. Bumaba si mama kasama yung ex nya. Tangina lang. Ano pang nakakaloka? Biglang dumating yung sasakyan ni namin na drive ni papa. Pero hindi sya lumapit sa bahay, hindi sya nakikita nila mama, dito sa pwesto ko kita ko.
Hinintay nyang umalis yung kotse bago sya dumating.

Bababa sana ako kaso may narinig akong nabasag sa baba. Hindi na ko tumuloy, nawawalan ako ng lakas harapin sila.

"Tang ina, hindi mo ba talaga ititigil yan!!"

"Matagal ko ng sinabi sayo na hindi kita papakinggan! Wala na akong pake sayo! Ano pa bang hindi mo maintindihan ha!"

"Tigilan mo na yan ha! Hindi hindi sasama uli sa kanya!"

"Pwede ba? Hindi mo hawak ang buhay ko, gagawin ko ang gusto ko!-"

AYOKOOO NAAAAA. TANGINA TALAGA! AYOKO NA SILANG PAKINGGAN!!!

Gusto kong bumaba at kausapin sila pero hindi ko pa kaya, hindi na kinakaya ng utak ko.

Tumagal din ang pagtatalo nila, nag hintay ako na may kakatok sakin para kamustahin pero wala. Narinig ko na may umakyat, andito sa taas. Pero wala. Ano wala ba kayong anak?

Isang oras, walang kumatok, walang tumawag sakin. Wala na. Nagtaka ako ang tahimik. Hanggang sa nakarinig ako ng kotse, hindi ko alam kung kanino. Hindi rin nagtagal isang kotse ang umalis. Kahit hindi ko silipin alam ko na iniwan na naman nila ako.

Bumaba na ko. Nakita ko yung basag na vase, hindi man lang nika inayos. Ako na ang nagligpit.
Dapat natutulog ako, nagpapahinga pero ano ginagawa ko? Umiiyak, umiiyak na naman.

Pagkatapos ko maglinis, nag chat ako sa gc namin nila Val, na hindi ako papasok mamaya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Nagbaon lang ako ng damit. Pupunta ako kila lola. Baka may alam si lola. Dun muna ako, kung makakauwi ako mamaya, uuwi agad ako. Kakausapin ko na mga magulang ko.

Nilock ko na yung bahay, mang aabang sana ako ng sasakyan pero may humintong sasakyan sa harap ko. Si Renz.

"Ano ka?"

"Sakay" sabi nya sakin. Boss ba to?
Ako naman, sumakay nga.

"Renz yung totoo, umuwi ka ba sa inyo o hindi?"

"Hindi, binantayan kita...San ka pupunta?"

Binantayan? So kanina pa sya andito, hindi sya umuwi man lang? Pagkagaling sa Park? Adik ba to?

"Kila Lola, dun sa lugar nila Tasha, bakit, ihahatid mo ba ko?"

"Oo" sagot nya.

Hindi na ko nagsalita pa, bukod sa wala naman akong sasabihing maganda, baka masungitan ko pa sya. Kahit papano may hiya ako. Alas kwatro na ng umaga. Tangina kagabi pa ko umiiyak? Pumikit na lang ako para sana makatulog kaso hindi ko kayang matulog, hindi ata ako tatablan ng antok ngayon.

_

Kala ko hindi ako tatablan ng antok, natulog pala ako. Nagising ako kasi tumigil yung sasakyan.

"Renz salamat, o san ka pupunta?" bakit pati sya susunod sakin kila nanay.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon