Kabanata 20

49 6 0
                                    


~~~~~~

Lunch na, hindi pa din sila umaalis. Mukang enjoy sila kausap si Ali. Ako eto mamamatay na sa gutom. Iniwan ako nila mama at papa. Nakakainis.

Bigla kong naisip na papuntahin ko kaya si Cess. Kaya tinawagan ko sya.

"Cess"

Ate mamaya na lang, mag ginagawa akong importante!

"importante pa kay Renz?"

"Ha-Mas importante si Renz-Arghh hindi-Ate mamaya na lang-"

Bigla akong binababaan. Nakakainis. Ayoko namang papuntahin sila Val, alam kong nagpapahinga silang tatlo.

Wala na kong choice kundi bumaba, kainis! Ako pa talaga nahihiya sa sariling kong bahay. Alis na lang kaya ako muna tas kakain sa ibang lugar. Oo tama hahaha. Naligo na ko at nag-ayos, medyo nawala yung pamamaga ng mata ko, medyo lang naman pero Keri na ko, maganda pa naman ako hahahha.

Pababa na ko, naririnig ko na yung tawa nila sa sala. Hanggang sa nakababa na nga ako.

"Nadia san ka pupunta?" biglang tanong ni David.

"Aalis" sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung alam ni David at Rey yung kahapon, sana hindi na wala namang kwenta yun.

"Nadia kinagat ka ng ipis? Hahahaha" tanong ni Mark. Wala syang alam sa nangyari. Syempre wala sila dun ni Emman.

"Oo" sagot ko sa kanya

"Oy oy Nadia san ka pupunta?" kakalabas lang ni Ali galing sa kusina.

"Aalis nga"

"Hindi ka pa kumakain, aalis ka?" Ali kaylan pa kita naging tatay?

"Dun ako kakain-"

"Sabi ni Tita, kumain ka daw, pag di mo daw kinain yung niluto nya-*

" Oo na Ali, kakain na ko! Pakaingay mo! Tabi! " tinulak ko sya tsaka ako dumeretso sa kusina- Tangina gaguhan ba to? Nakita ko sila Dette at Renz kumakain pa, mukang katatapos lang din ng iba kasi hindi pa ligpit yung pinagkainan nila. Si Kc nakita kong kakapasok lang sa cr.

" Ali " tawag ko kay Ali na nilingon agad ako. Nag peace sign lang sya sakin. Seryoso,hindi ko maintindihan si Ali. Nagsisimula na din akong mainis sa kanya.

"Nadia" biglang tawag sakin ni Dette.

" Alis na ko" sabi ko kay Ali, wala akong pake kung magsumbong sya kay mama. Hindi ko alam kung bakit naiinis na naman ako.

"Nadia teka!" tawag sakin ni Dette.
Bigla din napatingin sa kanya sila David.

"Bakit ang awkward?" tanong ni Mark. Si Ali bigla naman akong nilapitan.

"Nadia sorry"

"oowwsss teka-teka bakit nag s-sorry may nangyari ba na hindi namin alam?" biglang sabi ni Emman.

"Para saan?" tanong ko kay Dette. Sakto namang paglabas ni Renz galing sa kusina. Nakatayo lang sya sa bungad ng kusina. Kung nakakapatay lang tingin ko, baka nakalibing na si Renz.

"Kahapon, sorry kasi umiyak ka dahil samin ni Renz-"

"teka lang Dette...lilinawin ko lang hindi kayo ni Renz yung iniyakan ko, wala akong pake kung maghalikan kayo ng maghalikan dun-"

"Talaga lang Nadia? E bakit ka umiyak kahapon?" nanghahamon na tanong ni Jason.
Naisip ko lang na dapat ko na bang itaboy si Jason? Nakakatangina na e.

"Gago Renz seryoso?" hindi naman makapaniwalang tanong ni Emman kay Renz.

"Sino yung iniyakan ko? Yung sarili ko-nakakaawa e, sobra na sa katangahan. Nakakaiyak Jason! Sobra!" sagot ko.
"Dette wala ka ng sasabihin? Aalis na ko-"

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon