~~~~~~Alam ni Renz na hindi ko oa talagang kayang gawin yung nga sinabi ko.
An tanga tanga ko, bakit pa kasi ako nagkagusto kay Renz. Ngayong may gusto sya sakin bakit parang nagbabago?
Pagkatapos ng nangyari, bumalik kami sa may kubo na parang walang nangyari.
Hangga maaari gusto ko talaga syang iwasan."Anong gagawin natin maghapon dito?" tanong ni Rey
"Langoy na lang tayo" sagot ni Eman, na sinang ayunan naming lahat.
Pumunta kami sa loob, sa bahay nila Tasha kami lang nila Val, nang hiram lang kami ng short, naka pantalon kasi kami ang ganit namin nasa kabila. Buti pa yung nga boys dala yung gamit nila dito.
Magpapalit na sana ako kaso nag vibrate yung Phone ko.
Message from unknown number.Binuksan ko at binasa, nagpakilala itong si Sir Dashiel, gusto daw akong makausap.
Hindi ko alam kung kaya ko bang makipag-usap dahil sa ginawa ko kaso kung hindi ako makikipag-usap at patatagalin ko pa baka lalo lang akong mahiya sa kanya.
"Tasha, aalis muna ako. Promise babalik din agad ako" paalam ko sa kanila
"San ka pupunta Nadia? Baka pagbalik mo hindi ka na naman okay" Sabi ni Val sakin
"Kakausapin ko lang si Sir Dashiel, saglit lang talaga ako"
"Bakit mo naman sya Kakausapin?"
"Ikaw Nad ha! Hahahahah"
"Uuyyy Nad mas gusto pala ang older-"
"Hahahahaha, aminin mo na-"
"Ang gagago nyo!" sigaw ko sa kanilang apat na patuloy akong inaasar "Walang ganun, mag-uusao lang kami-"
"Oh bakit kayo mag-uusap?" tanong ni Aj, lahat sila nakaabang sa isasagot ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanila yung nangyari... Pero naisip ko na sabihin na sa kanila, alam ko naman hindi nila ipagkakalat.
"Hinalikan ko kasi sya kanina-"
"Tangina Nadia! Ikaw ang humalik sa kanya? Bakit?"
"Oo alam kong mali, mali din yung dahilan ko na dahil nakita ko si Andrea at Renz na naghahalikan e hinalikan ko na din si Dashiel, kami ang magkasama nung nakita ko si Renz-"
"Ang labo nyo parehas Nad-"
"Kaya nga hindi ako nagalit kay Renz kasi wala akong karapatan, wala akong karapatan magalit kung kanino sya makikioaghalikan, diba hindi naman kami? Maling mali ako kasi hinalikan ko si Dashiel." paliwanag ko. Nagulat sila dahil sa ginawa ni Andrea pero mas tinuon nika yung pansin at concern samin nila Renz
"Nadia andun na nga, hindi kayo ni Renz. Pero bakit mo hinalikan si Sir? Dahil sa selos kila Renz?"
"Aj naiiintindahan ko na mali nga talaga ako. Nagsisisi naman ako sa ginawa ko kay Dashiel..."
"Pero Nad hindi sapat na nagselos ka tas bigla mong sasabihin na wala kang karapatan magselos e nangyari na. Parang ginantihan mo lang yung ginawa ni Renz" sermon ni Val sakin.
"Sorry...Yung nakita ko kasi sila na ginagawa yun, nasaktan ako h-".
"Nad wag mong sabihing hindi mo alam kung bat ka nasaktan, sarili mo lang niloloko mo" sabi naman ni Arian
"Nadia sa tingin ko bakit nasasaktan yung mga tao kapag nangyayari sa kanioa yung ganyan? Kasi mahal nila yung taong yun, nasasaktan sila kasi ayaw nilang makita na masaya or sa iba ginagawa yung bagay na yun... Nadia, kaya ka nasasaktan kasi mahal mo si Renz" biglang sabi ni Tasha.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Novela JuvenilSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020