Kabanata 57

41 3 1
                                    


~~~~~~

"Aba naman Nadia! Mag gagabi na!"

"mamaya na"

"Ano puyat na puyat? Hahhahahaa bilisan mo na dyan, tara na"

Gusto ko pang matulog, kaso pano matutulog kung andito na sila. Wala akong nagawa kundi bumangon na.

"Bilisan mo na dyan mahal na reyna hahaha" pang-aasar ni Aj

"gago! Bumaba na kayo!"

Pinababa ko na sila. Naligo lang ako at nagbihis. Alas kwatro na pala.

Yung nangyari kaninang madaling araw, yun ang dahilan kung bakit gusto ko pa matulog, kung bakit ayaw ko lumabas. Baka kasi may makakakita saming kaklase namin, juuusko nahihiya pa din ako, pero kilig na kilig ako nung pagdating ko dito sa bahay. Takang taka si tita kung ano daw nangyari sakin

"Ayan na ang reyna hahahaha"

"Aj tigilan mo na nga ako sa kakareyna mo" saway ko sa kanya

"Grabe Nadia, promise kilig na kilig ako sa inyo ni Renz. Tas nakakatawa yung itsura ni Ten hahahah lalong lalo na si Angela" sabi ni Arian

"Nadia tara na sa parlor sobrang haba na ng buhok mo! Hahahahaha grabe lahat ginulat nyo sa ginawa nyo pati sila ma'am"
Sabi naman ni Val. Wala dito si papa at si tita. Umalis na siguro kanina pa. Ni lock ko lang yung pinto at dumeretso na ko sa sasakyan.

"Tinatamad ako mag drive, marunong ba kayp?"

"Nadia papuntang langit gusto mo? Hahahaha"

"Oy Aj panigurado kapag ikas, hindi langit punta natin-aaaray Aj! jk lang naman e" si Arian na nasabunutan ni Aj

"Nad ikaw lang marunong satin, kaya mo na yan. Libre pamasahe na din kami-"

"Oy Val anong libre? Hindi porke valentines libre! Mag ambagan kayo pang gas" dahil sa sinabi ko, sabay sabay silang nagsipasukan sa sasakyan. Ang gagaling talaga.

Naisipan na sa parlor muna, gusto nila mag pagupit at magpakulay.
Dumeretso kami sa parlor, ako lang ang hindi inaayusan. Kaya andito lang ako sa upuan, silang tatlo ang inaayusan ng buhok.

"Ayan o kay Nad, para mamaya deretso gala na kang tayo-"

"Ano yun?" tanong ko nang marinig ko ang pangalan ko sa kanila.

"Nad sa may bookstore lang, may pinabibili si ma'am samin" sabi sakin ni Val. Inabot nya sakin yung papel na may pangalan ng librong kailangan nya.

"Wala na?"

"Wala na. Thank you" tinanguan ko lang si Val

"Nad ako -"

"Wala na. Okay" lumabas na ko ng parlor dito sa may loob ng mall. Tiningnan ko si Arian na ang sama ng tingin sakin hahahah. Okay, sa may bookstore ako.
Naglakad na ko papunta sa may bookstore.
Hinanap ko yung libro na kailangan ni Val-

"Hi"

pusang gala naman! Juusko, seryoso akong naghahanap ditontas bigla susulpot-

"Renz!"

"love" mula sa kabilang side, lumapit sakin si Renz. Tangina bakit ang gwapo nya? Ang unfair ako muka na atang sabog dahil hindi makatulog ng maayos kanina tapos sya parang wala lang, chill lang.
Bumalik ako sa katauhan ko nang halikan nya ko sa gilid ng labi ko.

"Bakit ka andito?" tanong ko sa kanya

"Ako dapat ang magtanong sayo nyan"

Sinabi ko naman na may pinabibili si Val, nakalimutan ko na magkaklase sila kaya andito din sya. Pero nakakapagataka, kanina tiningnan ko yung phone ko, wala syang text kahit isa.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon