Kabanata 48

63 3 6
                                    


~~~~~~

Kanina pa ko di makahinga ng maayos, jusskoooo. Kaharap namin ni Renz si papa ngayon.

At sa pangalawang pagkakataon, nakita ni papa yung nangyari sa tapat ng bahay. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hiyang hiya na ko kay papa. Sana hindi nya nakita na ako...na ako yung aaarghhh basta. Tangina Nadia bakit di ka nag-iisip.

"Renz hindi ba nag-usap na tayo pagdating sa mga bagay na ganito? Anong ibig sabihin ng nadatnan ko kanina sa tapat mismo ng bahay ko?" tanong ni papa kay Renz. Hindi ko alam kung galit ba si papa o hindi.

"Sorry po tito"

"Anong ibig sabihin ng paghahalikan nyo? Kayo na ba? Nadia?" sunod sunod na tanong ni papa. Nakayuko lang ako, hiyang hiya na talaga ako.

"Pa-"

"Tito nililigawan ko pa rin po yung anak nyo" sabi ni Renz, hindi nya ko pinagsalita!

"Nadia" tawag sakin ni papa, hindi nya pinakinggan yung sinabi ni Renz. Hindi ko maintindihan kung bakit yun ang sinabi ni Renz

"A-ano po..." hindi ko masabi, gusto ko sabihin pero bakit hindi ko magawa!?

"Ayoko nang maulit yung kanina. Renz yung mga sinabi mo sakin noong nakaraan panindigan mo. Ayokong nasasaktan ang anak ko... Mukang hindi kayo sigurado sa kung anong meron kayo ngayon, ha Nadia?"

Pa kung alam mo lang, ilang beses na kong nasaktan. Pero wala, tanga tong anak nyo, mahal na mahal e.

Pinaakyat na ko ni papa, hindi na ko umangal at baka lalong magalit sakin. Mag pahinga na daw muna ako at sa susunod na lang daw kami mag-uusap. Pinauwi nya na din si Renz.

Dahil hindi ako makatiis at mukang nakauwi na si Renz, tinawagan ko sya.

"Nadia bakit gis-"

"Bakit yun ang sinabi mo kay papa?" tanong ko kaagad

"Ano ba dapat? Dapat ba sinabi ko na tayo na? Nadia yun ang pagmakaintindi ko sa sinabi mo sakin kanina"

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Gusto ko sayo mismo mang galing, na sabihin mo nang deretso, ikaw bat di mo sinabi?" balik na tanong nya sakin

"Hindi ko alam kung pano. Gusto kong sabihin kay papa pero nawawalan ako ng lakas, natatakot ako"

"Natatakot? Nadia kung hindi ka pa handa, hindi naman na kita pinipilit...kaya kong maghintay hangang sa buo na yung tiwala mo at wala nang takot sa dibdib mo" paliwanag nya sakin. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa mga sinasabi nya

Ayoko nang lokohin yung sarili ko. Napapagod na din ako. Kung masasaktan edi masasaktan. Pero hindi ko na kayang pigilan yung damdamin ko. Mas lalo lang akong nasasaktan. Tanga na kung tanga. Mahal ko si Renz. Mahal ko sya. Bakit ko pa ba pinapatagal e dun din naman papunta tong-kung ano man meron kami.

"Sige na Nadia, pahinga ka na. Bye... I love you"

"Mahal din kita, Renz" sabi ko pero hindi na nya narinig dahil binaba ko agad yung phone.

"Pa? Pwede po pumasok?" kumatok ako sa kwarto ni papa, sana gising pa sya.

"Pa" pinagbuksan ako ni papa at hinyaan ako makapasok. Ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. Wala namang iba sa kwarto ni papa.

"Pa-"

"Sabihin mo na nak, hindi naman kita pagagalitan" sabi ni papa. Pinaupo nya ko dulo nang kama kung san sya nakaupo, tumabi ako sa kanya.

"Pa yung totoo po...yung totoo po m-ma..." huminga ako ng malalim bagi ituloy. Si papa inaantay na yung sasabihin ko.
"P-pa... mahal ko po si Renz" mabilis kong sabi. Hindi ko makita yung reaction ni papa sa sinabi ko, nakayuko lang ako.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon