~~~~~~Wala na kaming inaksayang oras, si Renz ang mag-isang bumalik kila Tasha para hiramin ang sasakyan ng tito nya. Si Tasha na daw ang magsasabi sa teacher namin.
Pagdating ni Renz sakay ng sasakyan, pinapasok ko na sila. Kaso halatang hindi kami kakasya. Lima lang ang kakasya sa loob. Siyam kaming lahat. May maiiwan na apat.
"Nadia pano kayo?" tanong ni Rey na nasa loob na ng sasakyan.
"Susunod agad kami, mauna na kayo... Ingat!" sabi ko sa kanila at pinaalis ko na sila.
"May tatawagan lang ako" paalam ko kila Val, ang kasama ko ay sila Val, Eman, David. Hindi ko alam kung papabor sila sa gagawin ko. Pero wala na kong maisip na hingian ng tulong. Kung sila papa kasi ang tatawagin ko, maiistorbo pa sila. Ang layo nito.
"Nadia bakit? Hinahanap kayo kanina ng teacher nyo"
"Malalaman mo din. Dashiel pwede makahingi ng favor? Kelangan lang talaga namin makabalik..."
Naghintay kami ng ilang minuto at may humintong kotse sa harap namin.
"Nadia sino yan, yan yung tinawagan mo?"
"Oo wag nyo muna akong tanungin kung bakit sya, please gusto ko lang makarating agad dun" sagot ko kay Eman. Sumakay na agad kami sa loob, alam kong nagulat silang tatlo kung sino yung tinawagan ko.
"Tara na"
-
Habang nasa byahe, unti unti na namang bumabalik sakin ang iyak ni Tita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nakita ko si Jason na...na walang buhay.
Lumingon na lang ako sa labas ng bintana para hindi mapansin na umiiyak ako. Tangina ang sakit. Sobra.
Hindi ko alam kung bakit ang epal ng ulan, papansin lang ba sya o nakikiiyak din samin? Nasara ko tuloy ang bintana dahil umuulan na.
Tiningnan ko silang tatlo sa likod, si Val nakapikit pero alam kong hindi sya tulog ganun din si Eman, si David nakatingin lang sa kawalan.Bakit ba nangyayari samin to.
"Nadia mga kasama nyo sila diba?" tanong ni Dashiel at may nilingon sa kabilang gilid ng kalsada.
Nakita ko sila Renz. Nasa gilid lang sila ng gasolinahan. Nasa labas si Renz at may kinakalikot sa Phone nya. Naramdan ko na lang na may tumatawag sakin.
"Nadia? Asan kayo? Andito kami sa may gasolinahan, tumigil muna kami gawa ng ulan"
"Titigil din kami dyan" pinatayan ko na sya ng tawag at sinabihan ko si Dashiel na tumigil din muna saglit.
Pagkatigil namin sa tabi ng sasajyan nila, nakita ko si Renz na tinitigan kami. Tinted ang sasakyan ni Dashiel ganun din ang sinasakyan nila. Pumasok na si Renz sa sasakyan nila.
Bigla na lang syang nagtext sakin.
Kanino kayo nakasakay?
Nireplyan ko naman sya agad na, kay Sir Dashiel.
Lumakas uli ang ulan at naghintay pa kami hanggang sa medyo humina na ito.
_
Pagkadating namin sa maliit na chapel kung saan daw iuuwi si Jason. Nagpasalamat sila David at bumaba na.
"Thank you-"
"Kung may sasabihin ka pa, wag muna ngayon. Bumaba ka na, kailangan ka na ata nila dun"
"Ingat"
Bumaba na din ako at pumasok ng chapel. Pagpasok ko kita ko na agad na naka ayos na ito, para bang, tangina eto na yung mga luha ko... Para bang si Jason na lang ang inaantay.
![](https://img.wattpad.com/cover/241526771-288-k678354.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020