~~~~~~"David san ka nga nagpapasama?"
"Wala na Nad, okay na." sagot nya sakin. Baka kasi mamaya kung san to pupunta.
"Ang daya nyo hindi kayo nag aya kahapon"
"Oy David sabi mo kasi nung Friday busy ka, weekends. Hindi ka naman inistorbo" sabi sa kanya ni Aj.
"Kahit na. Dapat pag ganun inaaya nyo pa din-"
"David manahimik ka na, tapos na. Wag ka na mag drama dyan hahahahah. Wala pa ba si ma'am?"
"Baka hindi na sya aakyat dito, thirty minutes na syang late" sabi ko sa kanila. Wala kaming magawa kaya nag k-kwentuhan na lang kami.
"Kc ano daw sabi?" tanong ni Aj kay Kc na kakapasok lang, galing ata sya kay ma'am.
"Hindi na daw aakyat si ma'am. May announcement mamaya, tungkol ata sa prom" paliwanag ni Kc samin.
"Arian, Nad diba officer kayo para sa prom bakit kayo andito?"
"Bakit san ba kami?" tanong ni Arian kay Yuan kaklase namin na kakapasok lang din.
"Alam ko may meeting kayo"
"Nakakatamad. Arian kung gusto mo ikaw na lang bumaba-"
"Ahh Nadia pinapasabi din ni ma'am yung officer daw kailangan dun" dagdag ni Kc.
"Tara na, Nad." yaya sakin ni Arian. Kahit ayaw ko, sumama na ko.
Pumunta kami sa isang room, andito nga mga officer para sa prom, andito din si Renz. Pero wala pang teacher. Hinila ako ni Arian sa upuan katabi ni Renz. Ilang minuto hinintay namin bago pa dumating yung teachersna nag aasikaso kapag may mga program.
Pinaliwanag nila yung tungkol sa gaganapin sa prom. Lalo na yung sa cotillion na gagawin. Nag assign si ma'am sa mga kasama namin kung sino tutulong sa pag aasikaso at pag p-practice. Hindi lahat ng estudyante kasali. Yung gusto lang. Sa cotillion lang yun. Pero lahat ng estudyante kailangan dumalo sa prom. Nakakainis.
Buti hindi ako napili sa pag aasikado nun. Hinati kami ni ma'am para sa mga gagawin namin. Walang inasign si ma'am pagdating sa pag aasikaso sa decoration, syempre school na bahala dun. Baka pag kami nag gawa, horror ang kalabasan.
Actually parang wala kaming gagawin dito nila Arian hahahahah. Taga tingin sa mga estudyanteng gustong tumakas at mag gawa ng milagro hahahaha ew.May sinabi din si ma'am tungkol sa magiging prom king and queen.
"Ang gusto mangyari ni Ma'am Gab, yung last year na prom king and queen ang mamimili ng magiging king and queen" paliwanag ni ma'am.
"Ma'am"
"yes Red?"
"Diba po si Renz tsaka si Angela yun? Wala na naman po si Angela dito" tanong ni Red. Oo nga pala silang dalawa ang king and queen. Mga panahong hindi pa ko nag eexist sa buhay ni Renz.
"Oo nga pala...Pero pwede natin syang iinvite this coming prom..."
"Additional paramas maganda, kailangan nila mag last dance since last na talaga nila..."dagdag pa ng isang teacher.
Last na naman talaga nila. Ang daming alam, bakit may pa ganun?
"Si Teacher Gab na ang mag C-contact kay Angela, and Renz ready kayo ha, last dance."
Pagkatapos idiscuss ni ma'am yung tungkol dun, nawalan na ko ng ganang makinig.
"Pano na yan Nad?" bulong sakin ni Arian
"Anong pano? Edi sumayaw sila, panget ka bonding ng school" inis na sabi ko. Pa bulong lang syempre baka marinig ako ni ma'am.
Nakakainis, bakit kasi hindi pa umuwi si Angela sa Canada.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020