Kabanata 1

462 12 1
                                    

~~~~~

"Nadia tigil tigilan na kakatingin kay Renz, hindi mo sya makukuha ng kakaganyan mo!"

"Lahat kayo who you sakin pag nakuha ko sya! pag niligawan na nya ko hahhaha"

"Keep dreaming Nad"

"Kaibigan ko ba talaga kayo?Support naman dyan aba"

"Wow naman tingnan mo to nanghihingi pa ng support, e halos tatlong taon na kaming nakasupport sa mga kagagahan mo!"

Nakakainis talaga. Oo tatlong taon na ko may gusto kay Renz mula grade 10 hanggang ngayong senior high namin. Hindi naman siguro masama na umabot ang pag kagusto ko sa kanya ng tatlong taon diba?

"Babayaran ko kayo pag naghiwalay na sila ng jowa nya" sabi ko sa tatlo. Kila Arian, Valerie at Aj. Sila yung mga kasama ko mula elementary minsan nakakasawa na nga pagmumuka nila hahha.

"Pano pag hindi naghiwalay? Edi olats?" sabi naman ni Val

"Maghihiwalay yan tiwala lang" tip number 1. kung may jowa yung long time crush mo kelangan malakas ang fighting spirit mo para naman magkatotoo yung mga sinasabi mo katulad ng maghihiwalay din sila hahah

"Oyy Nad, hindi ka ba napapagod kakasabi mo nang 'maghihiwalay din yan tiwala lang'?" tanong naman sakin ni Aj. Ginaya pa talaga ang pagsasalita ko.

"hindi, wala namang nakakapagod sa pagsasabi ng ganun"

"O sige sabihin nating naghiwalay na sila ng almost 2 years nyang jowa-"

"Kelangan talaga pagdiinan yung almost 2 years?Sampalin kita dyan!" Sabi ko kay Aj. Kanina oa tong babae tong.

"Hahah o kung kunyari nga naghiwalay-"

"Anong kunyari? Walang kunya-kunyari maghihiwalay talaga yan!" sabi ko kay Aj. Totoo naman kasi maghihiwalay yan. Susss almost 2 years? Kaya ko yang gawing 10 years hahahha.

"Pagbigyan mo na Aj, ganyan talaga yan" singit ni Arian habang naggagawa ng ass. Tapos na kami dyan, sya na lang hindi, patulog tulog kasi sa klase hahha.

"O sige hiwalay na sila...happy na Nadia ?" tumango tango naman ako na parang bata at sinuklian lang ng tatlo ng irap. Mga bwiiisit talaga.
"Anong gagawin mo?" dugtong na tanong nya.

"Oyyy Nad wag mong sabihin magpapansin ka? Gago wag ganun, magmumuka kang despe!" sighal sakin ni Val. Hindi oa nga ako nakaksagot pinapangunahan nako.

Pero teka ano nga ba gagawin ko?

"edi wala akong gagawin"

"Eh?"

"Malay nyo magdilang anghel ako at sya ang lumapit sakin diba?"

"Asa ka! Pagkausap nga sayo hindi nya magawa lapitan ka pa kaya at ligawan?" - Arian

"Mga sampong beses ka lang ata nya kinausap at ang masakit nung grade 10 pa ang huling kausap sayo at eto pa huling sinabi sayo...

"pabili" sabay sabay nilang sabi. Tiningnan ko sila ng masama. Ipaalala ba naman.

Kami kasing apat ang nasa canteen kaya nautusan kami ng teacher na magbenta at tumulong sa pagbibilang. Sakto bumili si Renz, sabi lang nya ng 'pabili' kulang na lang mangisay ako sa kilig.

"Kapag talaga naging kami ni Renz, who you kayong tatlo sakin!"

"ge lang hahah"

Totoo yung mga sinabi nila na hindi ako pinapansin ni Renz. Hindi ko naman siguro dapat ikagalit yun kasi hindi ko naman sya kinakausop bakit nya ko kakausapin diba?

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon