Kabanata 10

59 9 0
                                    


~~~~~

"Nadia!"

"Naaaaad!"

Inisss. Umagang umaga si Tasha agad. Ang sakit sa tenga. Buti pinapayagan sya ni Lola na istorbohin ako. Nag-inat inat ako bago tumayo at pagbuksan sya ng pinto ng kwarto ko.

"bakit?"

"Nadia 9 na tulog ka pa din? pinapasundo ka ni papa sakin, birthday kasi ni mama" paliwanag nya sakin

"Pwede pumunta na lang ako kapag kakain na?-"

"hindi pwede! tutulungan mo ko, surprise kasi gagawin namin, kami kami lang. hindi naman masyadong maalam si papa sa ganun hahahha" sabi nya uli sakin tsaka sya deretsong humiga sa kama ko

"Maligo ka na, hintayin kita dito daliii"

Wala na kong magawa kundi sumunod sa kanya.Habang naliligo ako naisip ko na saglit pa lang ako dito sa lugar na ito, ang bait na sakin ng magulang ni Tasha. Ang sayaaaa lang.

"Nadia! wala ka nang ibibilis? baka kanina pa galit si Renz sa baba hahah" muntik ko nang mabitawan yung sabon dahil sa sinabi ni Tasha. Arghhh nakalimutan ko andito pala si Renz, siguro kaya pumunta dahil birthday ng tita nya. Nasabi sakin nakaraan ni Tasha na favorite daw ng mama nya si Renz kaya hindi pwedeng wala ito.

"Bakit daw sya sumama dito?" pasigaw na tanong ko.

"pinasama ni papa, may bibilhin kasi tayo" sagot nya.

Nakakainis talaga.Naalala ko na naman yung itlog. Bwisit. Tinapos ko na ang paliligo at nagbihis na.

"tara na"

_

Nandito kami ngayon sa isang convenient store. Konti lang ang tao kaya hindi ako nagaalangan.
Mula samin hanggang dito hindi kami nagpansinan ni Renz. Hindi na naman kailangan, tsaka yung tingin nya na naman sakin akala mo may kasalanan na naman ako.

Si Renz bumibili ng ibang ingredients. Kami ni Tasha sa decoration at ibang regalo.

"Pila na ko, baka humaba mamaya yang Pila" sabi ni Tasha

"t-teka may kulang pa ata...tingnan ko-" nilabas ko yung listahan na nasakin lahat okay na maliban sa isa. "itlog" sabi ko kay Tasha ay pinag tawanan ako.

"ikaw na bahala dyan, kaya mo na yan"

Hindi ako pamilyar dito, kaya hinanap ko pa. Bwisit talaga.
Hanggang sa nakita ko na, kaso may problema. Hindi ko abot. Hindi naman sa hindi ko talaga abot hanggang ulo ko sya, kung kukuhain ko baka may mabasag ako. Wala naman akong makitang tungtungan, wala din namang nag-iikot na nag a assist. Arghhhh itlog nakakainis ka. Itlog ka talaga.
Dalawang tray kailangan ko. Pinilit ko kuhain, kaso hindi ko tinuloy kung hahatakin ko nga kasi baka mabasag sakin.

"Tabi dyan" napalingon agad ako kung sino yun, makasagi naman kasi sa balikat ko.
Isa pa tong bwisit.

"Palaki ka kasi" sabi nya sakin habang kinukuha yung mga itlog

"yabang. kasalanan ko ba na ang taas ng pinaglagyan nila ng itlog?" umiling iling na lang sya at tiningnan sa hawak kong papel kung ilan. ako naman nagpatuloy sa pagsasalita dahil sa inis ko. Sinabayan pa nang mayabang na to.

"Tama ba tong ganto? itlog asa taas tss sa baba kasi dapat e. Reklamo ko sila aba-"

"Sa baba ba talaga dapat yung itlog?"

"oo!"

"Parang mas delikado yun-"

"tanga ka? mas delikado pag sa taas, tsaka ang dami ko nang nakikita na nasa baba yung itlog nila eto lang ata yung nakita kong nasa taas-"

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon