~~~~~"hindi po"
"hindi pa po"
Lahat kami napatanga sa sagot ni Jason. Nagbibiro lang sya diba? Tiningnan ko sya ng nakakunot ang noo, pero nginitian nya kang ako.
"Anong hindi PA Jason?" si Aj ang nagtanong kay Jason
"hindi pa nga" casual lang yung pagsagot nya.
Ang gago lang hindi ko kayang kiligin dahil may nagkakagusto sakin, mas ramdam ko yubg galit ko hindi ko alam kung bakit.
"may balak kang...jowain si Nadia?" Tanong uli ni Aj, samin nila Val si Aj lang talaga ang medyo makapal at walang preno ang bunganga.
Wala kaming nakuhang sagot kay Jason, nginitian nya lang ako at inakbayan. Agad ko namang inalis ang dumeretso na sa upuan, which is sa tapat ni Renz. Yung isang bakante kasi katabi ni Angela,ayoko dun.
"Ahh sorry sa tanong ko mukang mag-aaway pa ata kayo, kain na" sabi ni tita.
Habang kumakain, pinagaan nila Val ang pag awkward sa lamesa. Gusto ko man makisali pero lutang pa din ang isip ko.
May gusto sakin si Jason? Bakit hindi nya sinasabi sakin? E ano naman kung sabihin sayo? Ano gugustuhin mo din sya? Alam ba nila David to? Hindi ako natutuwa, hindi ko din alam kung bakit ako naiinis.
Pinilit kong ubusin ang nasa plato ko kahit ayoko nang kumain. Patapos na ang lahat kumain.
"Excuse po mam, may gusto pong kumausap sa inyo, nasa may kubo po sila" biglang singit ni Mang Rus.
"Sunod kami, Patapos na din kami" sabi ni tito. Tinapos na nila ang pagkain nila...
"Jason, Nadia salamat sa masarap na pagkain...Tasha kayo na munang bahala dito"
"opo pa"
Pagka alis na pagka alis nila, boses agad ni Aj ang namutawi sa buong kusina.
"Jason seryoso ka ba?"
Na sinundan naman na tanong ni David"bakit hindi ko alam..?hindi mo pinapaalam?"
"Seryoso ako" sabi ni Jason at nahuli kong nakatingin sakin.
"Para namang ang big deal sa inyo, wala naman syang boyfriend diba?"
"Pero may crush sya..." biglang sabi ni Arian
"Crush nya lang yun...hindi naman sya crush ng crush nya diba?"
Tangina lang, napasabunot na lang ako sa buhok ko. Baka sabihin nya pa dito? Respeto naman kay Angela.
"Bakit ako?" sa wakas nakuha ko ding magsalita.
"Bakit hindi ikaw?"
"Seryoso Jason, ang daming iba-"
"Pano kung ayoko sa iba..?Ayaw mo ba sakin,dahil kay Renz? Hindi mo ba kayang kalimutan yung three years na pagkagusto mo sa kanya-"
" Jason! Manahimik ka!" hindi ko na napigilan yung sarili ko na sumigaw at mapatayo na din. Sobrang naiinis na ko. Napatingin ako kay Angela na nakayuko lang at kay Renz na nakatitig sakin.
"Bakit ayaw mo bang ipa alam kay Angela na tatlong taon ka nang nagpapakatanga kay Renz-"
"Sabing tumahimik ka!" sigaw ko ule
"Tangina Jason, respeto naman kay Angela oh, oo gusto ko si Renz pero ayoko silang masira...ayokong may masira akong tao, a-ayokong maghiwalay sila ng dahil lang sa punyetang three years na yan! Ayoko Jason! Kaya tangina pwede ba manahimik ka?"
![](https://img.wattpad.com/cover/241526771-288-k678354.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020