Kabanata 62

25 2 0
                                    


~~~~~

"love/Nadia" sabay nilang tawag sakin.

"Sorry pero kailangan ko na syang iuwi" sabi ni Dioshua na hinawakan na yung kamay ko.

"Nad saglit lang" narinig kong tawag sakin ni Renz.
Tumingin sakin si Dioshua, inalis ko  muna yung kamay nyang nakahawak sakin.

Kung hindi ko pagbigbigyan si Renz lalo lang kaming matatagalan dito.

"Mauna ka na, susunod ako" sabi ko kay Dioshua

"Sure?" paninigurado nya pa

"Oo, sige na" sagot ko. Nauna na syang naglakad papunta kung nasan yung sasakyan nya.

"Nadia" tawag naman sakin ni Dashiell. Bwisit ano ba kasing problema nila.

"Ahhh! Renz!"

Bigla akong hinila ni Renz palayo kay Dashiell.

"Sorry" sabi ni Renz at binitawan din naman agad yung kamay ko.

"Anong problema nyong dalawa? Ikaw? Bakit mo ko hinahanap?"

"Nag-aalala lang ako-"

"Nag-aalala saan? Renz hindi mo kailangan mag-alala baka nakakalimutan mo-"

"Nag-aalala ako baka sya ang kasama mo, baka sa kanya ka na sumama"

"Oh sya nga kasama ko, kasama ko si Dioshua. Nakita mo naman ata diba kami na umalis kanina?" inis na tanong ko. Imbis na pauwi na ko...

"Si Dashiell. Nadia alam kong sa kanya yung galing yung bulaklak, alam kong nanliligaw sya sayo" sabi sakin ni Renz. May iritasyon sa kanyang muka ng sabihin nya sakin yun

"Ano naman sayo? Ano naman kung sa kanya galing, ano naman kung manligaw sya? Ano naman sayo kung sya nga ang kasama ko?" inis na tanong ko sa kanya.
Napahagod sya ng buhok siguro dahil na rin sa inis. Gago ba sya wala syang karapatan maiinis.

"Nadia hindi ako papayag. Hindi ako papayag sa desisyon mo?"

"Talaga lang ha! Parang kabaligtaran kasi ng inaasta mo yung sinasabi mo... Hinayaan mong sabihin ni Angela yun sakin? Ano gustong gusto mo yung mga narinig mo sa kanya kanina? Renz nagtimpi lang ako na hindi kayo paguntugin!"

"Bakit nasali na naman si Angela sa usapan-"

"E kasi nga lagi syang andyan!  Hindi hinding mawawala si Angela sa usapan kung lagi syang nandyan. Ano gagawin nyo na naman akong tanga? Tangina bakit ba hindi mo magawang paalisin si Angela sayo! Bakit parang hindi mo kayang ipaintindi sa kanya na wala na, wala na talaga syang pag - asa sayo. Aminin ko na Renz, apektado ako sa inyo ni Angela sobra. Feeling ko kasi anytime asa kanya ka na uli e. Yung kanina? Yung mga nangyari kanina sa school? Magkasama, nagbubulungan, yug kaninang paglabas ni Angela sa sasakyan mo!?...Tangina Renz selos na selos ako sobra! "

" Nadia-"

" Hindi ako sigurado sayo Renz...Mas lalo mo lang pinapagulo sakin lahat. Please lang wag mo na kong pakielamanan. Yung desisyon ko hayaan mo na lang. Kung sinong andyan para sakin, hayaan mo na lang"

"Hindi Nadia. Hindi ako papayag" sabi ni Renz at hiwakan ang dalawa kong kamay

"Tigilan mo na ko Renz, gusto ko nang matahimik-"

"Pano kita titigilan kung alam kong nagseselos ka. Pano kita titigilan kung yung pinapakita mo sakin kabaligtaran ng gusto mong desisyon..." inangat ni Renz yung muka ko at pumirmi ang mga mata nya sakin.

"Nadia walang hiwalayan na nangyari at walang hiwalayan na mangyayari. Nadia mahal kita-"

"Hindi-"

"love...please kahit ngayon lang ako muna yung pakinggan mo..."

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon