Kabanata 63

40 2 2
                                    


~~~~~~

Dinalhan ako ni tita ng pagkain dito sa kwarto ko. Ayoko sanang kumain kaso baka pagalitan pa ko.

"Nasabi sakin ng papa mo yung nangyari kahapon...Huwag kang mag-alala magkakaayos din kayo"

Tinanguan ko na lang si Tita Nerry. Si papa na lang ang meron ako bukod dito kila Tita Nerry. Ayoko palakihin yung galit ko kay papa.

Tinapos ko lang yung pagkain ko at uminom na ng gamot. Kala ko aalis na si tita pero may sinabi pa sya sakin.

"May sinabi sakin ang papa mo...tungkol kay Renz, may pinag-usapan silang dalawa na hindi mo daw alam. Nadia kung ano man problema nyo, ayusin nyo ha. Mahirap kung palalakihin pa. Muka namang mahal na mahal ka ng boyfriend mo...sige na pahinga ka na"

Hindi ko naman sya boyfriend with question mark.
Hanggang ngayon curious pa din ako sa naging usapan nila. Pero mukang wala silang balak sabihin sakin. Di wag.

_

Nagising ako tanghali na pero medyo madilim pa din sa labas gawa ng ulan. Medyo maiinit pa din ako pero kaya ko na namang umupo, hindi ang maglakad, nahihilo pa ko.

Kahit papano hindi naman ako malas, sabado ngayon at walang pasok buti na lang hindi natapat sa may pasok yung katangahan ko. Binuksan ko lang saglit yung phone ko, message nila Val. Mukang alam nila nangyari sakin. Hindi ko na nagawang mag reply, maiintidihan naman nila.

"Nadia"

"Tita"

"Nadia si Renz pala nasa baba kanina pang umaga"

"Po? Bakit po?"

"Bibisitahin ka daw nya, sabi ko umakyat pero ayaw naman nya" sagot sakin ni tita.
Bibisitahin? Para namang napakalala ng sakit ko. Nilalagnat lang ako.

"Okay po...Asan po pala si papa? "

" Mamayang gabi daw sya uuwi, pagaling ka daw pala...saglit, akyat ko lang dito yung pagkain mo" sabi sakin ni Tita pero pinigilan ko na sya

"Ta...pwedeng si Renz na po?" nahihiya ko pang sabi. Nginitian lang ako ni tita at tinanguan ako.

Hindi ko alam bat ko sinabi yun. Bwisit talaga. Bat ba hindi ako makapag-isip ng maayos.

_

Pumasok si Renz dala yung pagkain ko. Nilapag nya sa harap ko. Pinagmasdan ko lang yung mga ginagawa nya.
Sabi na e maling desisyon na naman ako. Kala ko aalis na sya pero nakaupo sa mahabang sofa na nasa gilid ng kama ko.

"Hindi ka aalis?" tanong ko sa kanya. Pero umiling lang sya

"Hindi" sabi nya at nahiga sa sofa. Nilagay nya sa muka nya yung unan.

Katangahan Nadia, ginusto mong sya ag maghatid ng pagkain mo ayan magtiis kang andyan sya.
Hindi ko na sya inintindi at kumain na ko.

Pagtapos ko nilagay ko na sa sidue table ko. Tiningnan ko si Renz kanina pa hindi gumagalaw, tulog na ata.

"Renz"

...

"Renz!" tawag ko ulit sa kanya. Tulog nga sya.

"Renz! Pag hindi ka sumagot babatuhin kita dyan"

"Renz! -"

"bakit?" mahinang sagot nya sakin. Tinanggal nya yung unan sa muka nya at tiningnan ako

"Bakit hindi ka sa inyo matulog? Umuwi ka na"

"Ayoko"

Tinarayan ko lang sya at hindi na pinansin kung makikipagtalo pa ko sa kanya baka lalo pang sumakit ulo ko. Humiga na lang ako at nagtalukbong na lang ng kumot at hunarap sa kabilang side, tinalikuran ko sya.
Mas masarap matulog kesa makipagtalo pa kay Renz.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon