~~~~~"Val ano nang balita kila Renz at Angela?" tanong ko. Andito kami sa canteen lunch na namin.
"Hindi sya pinapansin ni Angela, hindi ko alam ang dahilan"
"Bakit hindi mo itanong kay David?" sabi ni Aj
"Ganun din sinabi ni David sakin, yung sinabi ni Val"
Tatlong araw na ata silang may problema. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Angela oara hindi pansinin si Renz pero ang malas nya kapag hiniwalayan nya pa si Renz. Ideal kaya si Renz.
"oyy tara sa rooftop haharanahin ata ni Renz si Angela!"
"ayoko masasaktan ako"
"arte! bilisan na"
Nagtaka kaming apat sa narinig namin. Nagulat na lang kami ang ibnag estudyante nagtakbuhan na.
Hayyy Renz, ikaw na. ikaw na sikat dito tss. Ang dami kong kaagaw sayo.
"Tingnan natin!" sabi ni Arian
"Siguro kaya wala dito sila, Nad tignan na natin" pilit sakin ni Aj
"Kayo na lang, ayoko makakita ng kadramahan... Alam ko na mangayayari dyan"
"Ano/ano nga?" sabay sabay nilang tanong sakin.
"Susuyuin ni Renz si Angela, tapos si Angela syempre ma p-pressure medyo mahihiya din, konting keme keme at boom bati na ulit sila ni Renz! Pwede din naman mangyari na makikipag bati si Angela kasi ayaw nyang mapahiya si Renz sa iba sa pagsuyo sa kanya...kayo na lang pumunta dun"
"bitter ka ba?"
"gaga hindi! sinasabi ko lang naman yung pwedeng mangyari"
"sige kwentuhan ka na lang namin mamaya" sabi ni Val
"kahit wag na"
Sabay sabay kaming apat lumabas ng canteen, pero sila dumeretso sa building ng humms, kung saan andun sa may rooftop sila Renz.
Yung ibang estudyante nandoon mga nakikitsismis. Kahit sa building namin may tao sa rooftop, nagbabaka sakaling makikita nila.
Ako pumunta lang ako sa likod ng school.
Pagkadating ko dito, naupo lang ako kung saan kami naupo ni Renz.
Wala akong magawa kaya naisip ko na ayusin na lang to.Kinuha ko yung pabulok na walis ting ting. Inipon ko sa isang tabi yung mga bulok na dahon na nasa lupa na.
Binunot ko din yung ibang mga damo.Inayos ko yung mga gumagapang na halaman. para hindi sila buhol buhol tingnan.
Nagtawag ako ng dalawang lalaki para kumuha ng upuan dun sa dulo at dalhin dito.
Pagbalik nila apat na sila. Yung dalawa may dalang upuan apat na monoblock tas yung dalawa may buhat buhat na lamesa. Mukang lumang teachers table to.
Buti hindi nagtaka yung nakakita kung saan nila dinala to hahaha.
Pinaalalahan ko din sila na wag nanag pupunta dito at secret lang ang lugar na to. Ampotchiii namula pa yung isa may crush ata sakin hahaha.
Nilagay ko sa gitna yung mga upuan at lamesa. Hindi naman kalawakan tong likod ng school, Salamat sa nanggawa ng school nagtira ng space hahaha.
Halos kalahating minuto din ako natapos sa paglilinis. Maayos na pwede na kami mag date dito ni Renz hahaha.
Iniwan ko na ang likod ng school at dumeretso sa cr para mag-ayos, mukang tapos na ang pagsusuyo, wala nang tao sa mga rooftop.
![](https://img.wattpad.com/cover/241526771-288-k678354.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Genç KurguSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020