Kabanata 67

36 2 2
                                    


~~~~~~

"Gaga ka Nadia, sana okay ka pa hahahahha"

"Muntik mo nang sirain yung pageant hahahaha"

"Tigilan nyo na nga ko"

Katatapos lang ng pageant. Umalis na agad ako, hiyang hiya ako sobra. Sila Val sumunod sakin dito sa cr para lang asarin ako.

Lutang ako buong pageant. Hindi ko nga alam kung tama yung pinaglalagay kong score. Entrance pa lang, katangahan na agad nangyari sakin. Nag practice ako para short message na ibibigay daw, juuskoo nawala sa utak ko.
Hindi ko alam bat ako nagkakaganto...

"Nadia hindi naman yun ang first kiss nyo ni Renz diba? Hahahha apektado ka malala"

"Ikaw ba naman halikan sa harap ng madaming tao, yung mga teacher, Kaibigan, yung dating manliligaw, yung may gusto sa kanya, yung ex ng humalik sa kanya hahahahha. Gulat din ako ih hahahaha kala ko kiss lang, smack ganun. Hindi ako nainform may pahawal sa bewan tapos yung halika-"

" Arrghhh Arian tumigil ka na!!! " saway ko sa kanila. Tinatawanan lang nila ako.

" Hindi pa nagsisimula, yung lipstick wala na " dagdag na pang-aasar ni Val. Sumasakit ulo ko sa kanila

" Ganda ng langit noh? Nadia hahahah"

"Arian! Tumigil ka na sabi!" kaninang umaga pa ko hindi tinitigilan sa kaka langit ni Arian. Di maka move on kahapon

"Sus Nadia hahahah. Kala ko pipigilan mo si Renz pero sinuklian mo din yung ha-aray! Hahahahha"

"Seryoso, please lang tumigil na kayo"

"Okay hahahaha-"

"Valerie!! Andyan ba kayo sa loob?"
Narinig namin si David

"Tara na-"

"Anong tara na!?, hindi pa ko nakakapagpalit! Inuna nyo pa kong asarin. Tulungan nyo ko" sabi ko sa kanila. Pumunta ako dito sa cr para magpalit hindi para asarin lang nila

"Saglit lang David!" si Arian na ang sumagot

Paglabas namin ng cr, nag hihintay samin sila David at Renz... Naka white shirt na lang sya, yung coat nya nasa balikat nya. Busy sya sa phone, tinabi rin nya nang makita nya na kaming lumabas.
Lumapit agad sya sakin at kinuha yung bag ko.

"thank you" sabi ko sa kanya

"Nadia libre ka naman hahahha" sabi ni Aj, ayaw talaga nila akong tantanan ni Arian

"Oo nga Nadia-"

"Gusto ko nang umuwi...next time na lang-teka bakit ko pala kayo ililibre!?"

"Wala lang hahaha"

"Oo nga next time na lang para makasama ako. May aasikasuhin pa ko" sabi samin ni David

"Oo next time na lang. Aj, Arian tantanan nyo muna si Nad hahaha" sabi ni Val sa kanilang dalawa.

"Idol ko si Mike Enriquez, wala akong tinatantanan hahahah"

"love mauna na kayo sa sasakyan, may kukunin lang ako kay Jessa" sabi sakin ni Renz. Tumango na lang ako. Kukuhain ko sana sa kanya yung dala nya pero di pumayag, umalis agad sya

"San daw sya pupunta?" tanong sakin ni David

"Kay Ate Jessa...tara na sa sasakyan. Arian wag kang sumabay samin baka itapon lang kita!"

"Huuyy Nadia hindi ka naman mabiro hahahha. Tatahimik na ko" sabi ni Arian at inilingkis pa yung kamay sa braso ko.

"Valerie"

Ganto kami, kahit isa lang tinawag samin lahat kaming nakarinig lilingon.

Si Red pala.

"Mauna na kayo, susunod ako" sabi samin ni Val

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon