Kabanata 46

30 2 1
                                    

~~~~~~

Hinatid ako ni Renz dito sa Hopsital naabutan namin si Rey na andito, wala pa yung magulang ni Val.
Pinauwi ko din muna si Renz, baka kasi hinahanap na sya ni tita.

"Anong nangyari Rey?"

"Nasa bookstore kasi ako, hindi ko alam na andun din pala sya nakita ko bigla na lang syang natumba, sinusubukan naming gisingin pero ayaw bumangon ni Val kaya dito ko na sya dinala" paliwanag nya sakin.

"Sana okay lang sya... Sinabi mo ba kila Arian?"

"Hindi, sayo ko pa lang sinabi-"

"Maigi na hindi mo muna sinabi, ako na lang magsasabi bukas"

Hinintay namin yung mga magulang ni Val, hangang sa dumating na sila. Hindi pa din nagigising si Val.

Pagkatapos kausapin ng doctor sila Tita, tinanong namin sila.

"Over fatigue... Masyado na daw napagod yung katawan nya, hindi na nakakapagpahinga ng maayos. Buti naagapan, kung hindi daw baka tuluyang tumigil yung katawan ng anak ko, meron na daw kasi silang case na ganun din ang nangyari..."

"May iba po bang ginagawa si Val, ang nakikita lang po kasi namin yung sa school, nag-aaral po sya ng nag-aaral pero nakakapagpahinga po sya...yun nga lang saglit lang po" paliwanag ko

"Sa bahay ganun pa din ang ginagawa nya nag-aaral, hindi nya din ba nasabi sa inyo?"

"Ang alin po?" tanong ni Rey

"Netong nakaraan lang din namin nalaman, nagulat nga kami bakit nya ginagawa yun, may kaya naman namin nabibigay namin yung gusto nya yung pangangailangan... Nag t-trabaho kasi sya"

"po? Saan po? Wala po syang nababanggit samin" gulat na tanong ko. "wala din po akong maisip na dahilan kung bakit sya mag t-trabaho"

"Sa isang restaurant, dalawa actually . Yung isa sa may isang hospital... Hindi ko alam kung bakit, kinakausap namin sya pero kahit anong pilit namin hindi nya sinasabi yung dahilan" paliwanag samin ni tito na maiyak iyak na.

"Sinabi po ba sa inyo kung saan?"

"Hindi nya sinabi pero nalaman namin, kinausap namin yung sa resto pero wala daw nabanggit si Val, basta nag t-trabaho na daw sya dun, tuwing gabi, sa madaling araw naman sa hospital sya. Hindi pa namin nakakausap..."

"Gabi, madaling araw tapos buong maghapon sa school naman"

"Baka mapilit nyo sya na sabihin sa inyo kung bakit-"

"Wag na po kayo mag-alala kami na po munang kakausap kay Val, sa ngayon po siguro kausapin nyo po yung pinag t-trabahuhan ni Val na wag na syang tanggapin" suhesyon ni Rey

"Sinabi na namin yan, pero mapilit si Val, nakakapasok pa din sya sa resto. Sa hospital... Kakausapin namin bukas"

"Salamat sa inyo, andyan kayo para sa anak namin"

"Wala po yun"

Isang oras kami nag hintay pero hindi pa din gumigising si Val, pinapauwi na kami ng mga magulang nya at bukas na lang daw kami bumalik.

Sakto dumating si Renz, sya na ang naghatid sakin pauwi.

_

"Okay na ba sya ngayon?"

"Hindi ko ma process sa utak ko na ginagawa yun ni Val, bakit?"

Kaharap ko ngayon si Aj, Arian at David. Sinabi ko sa kanila yung sinabi ng mga magulang ni Val kagabi.

"Pwede ba natin sya puntahan?" tanong ni David

"Mamaya siguro, pero limited ang pwedeng pumasok sa room nya"

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon