Kabanata 24

63 6 0
                                    


~~~~~~

Maaga ako nagising ngayon sabi kasi ni coach na agahan namin.

Naka jogging pants ako tas suot ko na yung jersey namin naka doble lang sakib yung short. Nagdala na lang din ako ng pamalit.
Kahit naman agahan yung laro alam kong gagabihin pa din kami. Ngayon din kasi iaanounce yung mga nanalo at mvp pati na din yung tungkol sa sinulat na prize.

"Nak, andyan na si Arian sa baba" sabi sakin ni mama

"opo ma, saglit na lang"

Hindi ako maihahatid ni papa kaya nagpasundo na lang ako kila Arian.

"Ok ka na?" bungad na tanong sakin ni Arian

"okay naman talaga ako. Tsaka ayoko muna mag isip ng kung ano ano ngayon, gusto kong manalo"

"Ako din. Mananalo tayo... Tita alis na po kami!"

"Ma..."

"Sige na. Galingan nyo at enjoy. Goodluck!" sabi ni Mama, lumabas din mula sa kusina si papa

"Goodluck, ingat kayo"

Nagpaalam uli kami at umalis na.
Pagdating namin sa school, wala pang tao kami pa lang atang mga players. Pinaderetso kami sa likod ng gym, yung room na pinagtatambayan ng mga players.

"Kinakabahan ako" sabi ni Joy na ka team namin

"Huwag kang kabahan kaya natin to." sabi ni Dorlie na isa sa kasama namin.

"Relax lang kayo.... Alam kong kaya nyo yan at mananalo tayo." sabi ni coach samin at lumabas ng room. Pinatatawag daw kasi lahat ng coach.

"Picture muna tayo" yaya ni Arian

"Tsaka nag aya kung kailan wala si Coach hahahh" sabi ko naman kay Arian

"Mamaya na si Coach pag nanalo na tayo"

"Oo mga para naman may dahilan para manalo tayo hahahahah" dugtong ni Mira sa sinabi ni Arian.

Nag picture lang kami. Pagkatapos ay nagdasal na dahil bumalik na si coach.

-

Lumipas ang oras wala kaming ginawa kundi mag kwentuhan lang, makakatulong daw kasi sabi ni coach para hindi kami kabahan.

"Nadia dahil bago ka, ikaw na lumabas"

"Anong gagawin ko dun coach?" tanong ko.

"Jack n poy lang kung sino mauuna at kalaban natin" sagot sakin ni Coach.

Jack n Poy lang naman e.

"Go Nadia hahahahah"

"Wag kabahan jack n poy lang yan hahahaha"

Sabi pa nila sakin bago ako lumabas. Paglabas ko ang dami na palang estudyante na nandito. Magsisimula na pala. Pinapunta ako sa gilid kung nasan yung mga staff na mag aasikaso samin.

Ako lang pala naka jogging pants dito heheheh.
Nagsimula na kaming mag jack n poy.

Ang unang maglalaro ay kami at ang Humss. Sunod ang abm at gas.

Bakit Humss pa? Baka may mabato lang ako ng bola.

"Coach tayo una, kalaban Humss" sabi ko sa kanila

"Unang laro, maiinit na labanan agad" sabi ni Joy.

"Kalaban natin kaibigan ni Angela diba?" bulong sakin ni Arian. Napatango na lang ako.

"Huwag kayong papatalo sa kalaban. Kaya nyo yan. Kung may kaaway kayo sa kabila, wag nyo munang pansinin. Sa bola kayo mag focus! Kaya natin to!" sabi samin ni coach. Pinalabas na din ang mga players

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon