Kabanata 2

135 11 0
                                    


~~~~~

Habang kumakain kami kanina, nakasimangot lang ako, pano ba naman lahat sila pati mga magulang ko inaasar ako dahil sa nangyari kanina at kung ano daw ang ginawa ko sa cr.

Eto kami ngayon ni David nag-eedit na lang, ako lang pala dahil pinapa aral ko sa kanya yung mga sasabihin nya bukas, tatanungin ko din sya mamaya kahit na gusto ko nang palayasin dito kasi patuloy pa din sya sa pang-asar.

"David kapag hindi ka pa tumigil bahala ka bukas ha!"

"titigil na nga"

"sa susunod na naiihi sya pakisabi dyan na lang sa tabi tabi, hindi dito pa sa bahay ko tas hindi man lang nagawang pansinin!" ay juskooo ayaw talaga mawala ng inis ko.

"asa kang may susunod, wala na yun hahah" hindi ko na napigilan nahampas ko sa kanya yung notebook. Pasalamat sya hindi libro ang nadampot ko.

Buti na lang natahimik din kami,kaso mga ten minutes lang.

"Nad inaantok na ko" reklamo nya, napatingin naman ako sa orasan,quarter 7 na.

"Ang aga pa david, maya maya ka na umuwi, aralin mo yan o konti na lang tas tatanungin kita, kaya mo yan" wala syang nagawa kundi aralin ang notes na sasabihin namin bukas. Magaling si David, hirap nga lang sya kapag presentation ang pinag-uusapan hahah.

Nagpahinga muna ako, nakakapagod mag type. Kinuha ko yung phone ko binuksan ang fb na sana hindi ko na lang ginawa.

Bumungad sakin ang bagong upload na picture ni Angela. Silang dalawa ni Renz naglalakad, karamihan sa picture stolen ni Renz.

Nilapag ko sa mesa yung phone ko.

"Oh galit ka na naman dyan" sabi ni David nagulat ata sa paglapag ko ng phone,medyo may kalakasan kasi.

"Pano ba naman upload upload pa ng picture mag b-break din naman" Sinimulan ko na ulit mag type sa laptop kulang na lang lumubog tong keyboard dahil sa gigil ko e.

"Araw araw ka na lang nagseselos sa dalawang yan a a di pwede yan hahah" sinamaan ko ng tingin si David.

"correction david three years na" pagtatama ko sa kanya.

"seryoso ka talaga dyan sa pagkagusto mo kay Renz?"

"Nahh david kung hindi ako seryoso baka may jowa na ko ngayon at baka three years na kami"

"sure kang crush lang hahah?"

"ahmm hindi ko nga alam e hahaah"

Biglang tumunog ang phone ko. Nagpaalam sakin si david na ccr lang.

Ayaw ko sanang payagan. Mag oorasyon pa ko dun e Hahahah.

"Oh Val bakit?"

"kakamustahin ka lang hahah"

"ha? bakit?"

"baka kasi may nangyari na sayo, may upload si Angela a hahah"

"gaga ka talaga! Naiinis ako pero sanay na ko makita ang mga ganun linggo linggo ba naman mag upload hahaha kaurat...tapos na ba kayo sa presentation nyo at may oras kang tumawag sakin?!"

"Tinapos ko kanina sa school yung part ko tas si Renz ngayon nya ata ginagawa...ikaw?"

"kasama ko dito si david, tinakot nila Rey kanina baka daw hindi ko bigyan ng grade kaya eto sya andito haha, may sasabihin ako sa inyo sa gc na. tatapusin ko muna to"

"bye".

"Game na tanungin mo na ko, uwing uwi na ko" sabi ni David. Kay tinanong ko na sya. Nasabi nya naman ng maayos ang mga sagot.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon