~~~~~~"Nadia"
"Nadia"
"Oh!?"
"Nakakadalwang tawag na ko, kakain na" sabi nya sakin mula sa kusina. Ayaw nya pa lng umuwi, pinabayaan ko na lang sya, sya na rin ang nagluto ng kakainin.
"Busog pa ko"
"Anong kinain mo?"
"Dun sa coffee shop, cake-"
"Hindi naman nakakabusog yubg cake, kumain ka na dito" madiin nyang pag kakasabi.
Nakakabusog kaya ang cake."Oho tay!...hindi ka pa uuwi?"
Hindi nya ko sinagot, patuloy sya sa pagsasandok ng kanin na nilalagay sa pinggan ko.
"Renz tinatanong kita-"
"Tinataboy mo ba talaga ako?"
"Renz hindi ka ba hinahanap sa inyo? Tsaka gusto mo bang pagalitan ni papa?"
Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung anong pinag usapan nila ni papa. Gusto kong malaman. Naiiis ako."Uuwi naman ako mamaya, hindi din ako pagagalitan ni tito wala naman akong ginagawang masama" sagot nya sakin.
Hindi ko na sya kinulit, kumain na ko. Sabi ni Eman lasang sama ng loob mag luto si Renz, hindi naman e hahahahaha."Nadia iniisip mo pa rin ba yung lalaki kanina?"
"Hindi na" tiningnan ko si Renz, nakatingin lang sya sa pagkain nya
"Renz hindi nga-""Nagtatanong lang ako, parang nagagalit ka"
"Paulit ulit ka kasi, ikaw na lang ata nag-iisip sa kanya... Ano pa lang sinabi sa inyo ni ma'am? Kaylan daw kayo aalis?"
"Yung mga pointers, bukas start ng review namin baka hindi na kami maka attend sa klase namin ni Aj, next week yung laban" paliwanag nya, tumango tango naman ako.
Three days silang mawawala, kapag nanalo baka buong week wala.
"Ano na namang iniisip mo?" nagulat pa ko sa tanong nya.
"Kelangan ba lahat ng iniisip ko alam mo? Malala ka na Renz hahahahah"
"O ano ngang inisip mo-aray!" reklamo nya, sinipa ko kasi sya
"Renz! Tumigil ka na sa katatanong, bilisan mo kumain para makauwi ka na"
Minsan hindi ko talaga maintindihan si Renz, ang gulo nya. Ewan basta. Mas magulo pa ata sa isip ko.
Habang tumatagal mas lalong dumadami yung nagtatanong, kung ano daw ba kami ni Renz. Hindi ko sila masagot. Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot. Ayokong sakin manggaling na hindi PA.
Oo okay kami ni Renz, kahit saang banda na tingnan okay kami sa isa't isa. Wala na nga ata yung galit ko sa kanya, hindi na kami nag-aaway. Nag-aaway pero dahil lang sa asaran hindi dahil sa mabigat na problema.Ngayong araw, lunes, unang araw na wala sila Aj at Renz. Kaya pala dikit nang dikit sakin si Renz nitong nakaraang araw kasi daw aalis na sila, kung makadikit kala mo mangingibang bansa e.
Isa pa tong si Arian, kala mo naman ibang bansa ang pupuntahan ni Aj."Papasok na si Val ngayon diba?" tanong ni David sa tabi ko, silang dalawa ni Eman dito sa rooftop si Arian sasalubungin daw si Val kaya bumaba muna
"Oo, miss mo pre?"
"Oo sagot nyan Eman hahahaha"
"Tumigil nga kayong dalawa, dapat pala hindi ko sinabi sa inyo" sabi ni David samin hahahha
"Aminin mo na kasi-"
"Arghh ilang beses ko bang sasabihin na ayoko-hindi ko kaya, pagkakaibigan na nga meron, baka mawala pa"
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020