Kabanata 26

46 4 0
                                    


~~~~~~

"B-bakit ka andito?" tanong ko sa kanya at inayos ko ang sarili ko.

"Yung pera daw"

"Pera? Anong- ay hala oo nga sorry, sorry -" kinuha ko agad sa bag ko yung pera. Putek naman lakas ko maka alis kanina nasakin pala yung pera.

Pagkakuha ko ng pera, binigay ko agad kay Renz.

"yan na, m-may kailangan ka pa ba? Alis na" hindi naman sa pagmamaldita pero pinapaalis ko na talaga sya.

"Pinagsisihan mo na nagustuhan mo ko?" tanong nya bigla sakin kaya naoatigil ako, hindi ako makasagot.
Tangina kasi bakit sya bigla biglang sumusulpot-

"Nadia"

"Ano?"

"Pinagsisihan mo na nagustuhan mo ko?" ulit nya sa tanong nya kanina. Nakatingin lang sya at hinihintay kung anong isasagot ko.

"O-oo...Oo!" taas noo ko oang sagot sa kanya.

"Bakit?"

"Bakit? Bakit Renz? Renz naguguluhan ako, naguguluhan na ko sayo at sa sarili ko. Pinagsisihan kong naging crush kita!" sagot ko sa kanya, umiwas ako ng tingin sa knya dahil hindi ko kinakaya yung tingin nya sakin


"Naguguluhan saan? Nadia malinaw naman na mahal kita pero-ako dapat yung maguluhan sayo kase ayaw mo kong paniwalaan... Mahirap ba kong paniwalaan?"

"Renz hindi mo ko masisisi na-"

"So ayaw mo nga akong paniwalaan -"

"Patapusin mo muna ako Renz... Hindi sa ayaw kitang paniwalaan, nahihirapan pa akong paniwalaan ka, hindi mo ko masisisi in the first place kaka break nyo lang ni Angela, ang hirap paniwalaan... Siguro naman normal lang sakin yun diba? Sinusubukan ko naman e, pero Renz tingin mo madali para sakin? Yung isang araw Renz, naguluhan ako hindi ko alam kung ako ba may kasalan o ikaw? Hangang ngayon iniisip ko kung bakit bigla na lang tayo hindi nagpansinan?-" huminto na ko sa pagpapaliwanag, hindi ko kinakaya baka kung ano na naman masabi ko sa kanya

" Bakit ba lagi mong sinasali sa usapan si Angela?-"

" Hindi ba dapat? Renz naman, naging parte sya ng buhay mo malamang isasali ko sya, ex mo sya e, sya yung huling babaeng nagustuhan mo bago mo ko nagustuhan"

"Nadia yun na nga ex ko na, wala na kong nararamdaman sa kanya, bakit lagi mo syang binabangit at sinasali sa usapan?"

"Wala ba talaga?"

"Nadia naman, ano gusto mo umabot ako ng tatlong taon bago maka move on kay Angela? Yun ba ang kanilangan ng isang tao para sabihing naka move on na talaga? Ha Nadia?" tanong nya sakin. Sa pananalita pa lang nya, mababakas na galit sya at nasasaktan?

"Nadia wag mo akong igaya sa ibang mga tao na inaabot ng taon kung mag move on. Nasa nagmamahal yun at sa taong gusto na talagang makalimot. Ako gusto ko na talagang nakalimot, ayokong ma stock lang yung taong yun sakin, naintindihan mo ko Nadia?" paliwanag nya pa sakin, lumapit sya bigla sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Hindi ko sya magawang tingnan, yumuko lang ako. Dahil heto na naman yung luha ko. Bwisit talaga.

" Nadia gano ba kahirap para sayo na tanggapin at paniwalaan na gusto talaga kita?" tanong nya pero wala syang nakuhang sagot sakin

"Nadia tumingin ka sakin" sabi pa nya pero lalo lang akong yumuko hangang sa kusa nya ng inangat yung muka ko, hindi pa din ako tumingin sa kanya, nakatingin lang ako sa gilid nya.

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon