~~~~~~~Eto na araw na ng sport fest. Hindi pa ko nakakaalis sa bahay, tinatamad ako. Pag pumasok kasi agad ako wala namang gagawin, ceremony, speech ng teacher, coach at yell ang gagawin. Wala namang sinabing bawal ma late. Kaya mga 9 na ko pupunta, mga 10 pa naman start ng laro. Ngayon nga pala laro nila Val at Aj.
Ang dami ko ng natatanggap na text galing kila Arian kung nasan na nga daw ako hahahaha, start na daw ng ceremony. Tinatamad talaga ako. Hindi pa nga ako nakakabangon sa kama ko. Tumulala pa ko ng ilang minuto bago ko naisipin na maligo na at mag-ayos.
Ang mga hindi maglalaro pinagsususot mg yellow na tshirt. Kaya heto ako naka yellow na tshirt at high waist na pants and white rubber. Nagdala din ako ng maliit na backpack.
Mga isa't kalating oras ako nag handa, kasama na din dun ang oras ko pagkain..
Eto pala yung katangahan na ginawa ko, pinili ko ngang magpaka late wala naman akong masakyan. Nakakainis. Ilang minuto pa ko nakatambay sa labas para lang maghintay sa tricycle.
-
Pagkarating ko sa school, hindi oa din tapos. Nasa court pa din ang lahat. Hindi na ko pumunta sa pila ko kung nasan yung mga ka team ko, dito na lang ako pumwesto sa likod,na hindi ko alam na andito ang pila ng basketball. Team nila Renz."Bakit ngayon ka lang?" tanong bigla ni Renz.
"Boring e" sagot ko sa kanya
"Ha David bakit ngayon ka lang?" sabi ni Renz? Hindi ako kausap nya?
Tangina. Napatingin ako bigla sa gilid ko kung nasan si Renz, nakatingin sya sa gilid ko... Nakita ko si David na nakatayo sa gilid ko. Mukang kanina pa sya andito e.
"Kagigising ko lang pre hahahaha" sagot naman ni David.
Pinag t-tripan ba ko nitong dalawa?
"Nadia andyan ka pala hahahah, may sinasabi ka ba? Sinong kausap mo?" tanong ni David, halata namang nang-aasar.
Hindi ko sya pinansin, ang pinansin ko yung nasa unahan ko, hindi ko alam kung sino to, basta ka team nila.
Nilapitan ko ito at kinausap."Boring noh? Tagal tagal... Sabi sayo boring e" sabi ko sa lalaki. Muka namang nagulat sya at biglang namula? Namula? Hahahaha gagi baka may gusto sakin to.
"Ha? O-oo boring hehehe" sagot nya sakin. Awit nautal pa hahahaha.
"Tol tingnan nyo si Ten kinikilig hahahah" sabi nung nasa unahan namin ng mapansin nila kami.
"Tumalikod lang kami Ten, lumalablayp ka na dyan hahahah" sabi pa nung isa. Gagi bigla akong nailang. Baka kung anong isipin nila.
"Nadia ano, pwedeng magpapicture?" tanong sakin nitong si Ten. Inasar asar naman sya ng kasama nila.
Nginitian ko lang sya biglang pag-sagot. Inabot nya na sa kasama nya ang phone nya. Lumapit sya ng konti sakin.
Bigla nya kong inakbayan. Ayoko sa lahat bigla bigla akong inakbayan.Bago pa ma click yung phone, tinanggal ko yung kamay nya nakaakbay sakin. Uulit pa sana ng picture kaso umayaw na ko. Umatras na ko. Nagpasalamat naman sya sakin.
"Nadia pag kami natalo sa laro, ikaw sisisihin ko" Bigla akong nagtaka sa biglang sinabi ni David.
"Ako? Bakit ako sisihin mo?"
"Basta" sagot nya lang sakin
"labo mo kausap"
Hindi ko na kinausap si David, umalis na din ako sa pila nila at pilit kong pumunta sa pila namin.
"O Nadia kala ko wala kang balak pumunta e" sabi agad sakin ni Arian.
"Hindi nga dapat e, kung hindi lang maglalaro sila Aj" sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020