Kabanata 42

33 1 1
                                    

~~~~~~

"Arian" biglang tawag ni Val kay Arian matapos nya sampalin si Renz

"Arian tara na nga" higit ko sa kanya

"Para san yun?" tanong naman ni Renz, ganun din ang tanong namin.

"advance ko na? Baka kasi saktan mo uli si Nadia-"

"Arian! Hindi naman tama na sasampalin mo sya basta basta"

"Ok lang" sabi ni Renz at iniwan kaming lahat, nilagpasan nya lang din si Andrea.

"Arian anong nangyayari sayo?"

"Sorry... Tara na"

"Val okay lang ba si Arian? Hindi naman sya ganyan e" sabi ko kay val, si Arian nauna na maglakad.

"Hindi ko sure"

"Val pwede mauna ka na? Kausapin ko lang si Renz"

"Nadia" may pagbabanta sa boses nya

"Val nakakaaw yung tao masyadong madami na yung nagagalit sa kanya-"

"Tama lang naman yun Nad, sinong hindi magagalit kung naoaglaruan ka nya?"

"Val saglit lang ako, wag kang mag alala" hindi ko na inantay yung sasabihin ni Val, hinanap ko kung nasan si Renz.

Nakita ko sya papasok pa lang ng gym. Sinundan ko sya sa loob, hindi nya pa ko nakikita. Nasa isang gilid lang ako nakaupo, sya naman tinitira ang bola sa ring.

Bakit feeling ko nawawalan ng kaibigan si Renz nang dahil sakin. Bakit parang inaagaw ko yung mga kaibigan nya. Sila David, sila naman talaga magkakasama pero bakit parang lumalayo... Ayyy nakooo.
Ayokong sisihin yung sarili ko, pero ako talaga yung lumalabas na may kasalanan.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ha!?" nagulat ako at natauhan bigla, nasa harap ko na pala si Renz.

"Bakit ka andito?" tanong nya

"Kakausapin ka..." sagot ko sa kanya. Umupo lang sya sa tabi ko.

"Renz ako na mag s-sorry sa kanila, sa mga ginagawa nila Val ni Arian. Sa mga galit nila sayo... Sorry. Hindi ko naman sila masisisi, naiiintindihan ko sila, at alam kong naiintindihan mo din sila, matagal na kaming magkakaibigan ayaw namin masaktan yung bawat isa... Sorry talaga. Wag kang mag-alala hindi naman tatagal yung galit nila-"

"Ok nga lang, naiintindihan ko sila"

"Tsaka yung kila David, kila Rey... Napapansin ko kasi na lumalayo yung loob mo sa kanila -"

"Nadia, wag mo nang alalahanin yun...magkakaibigan pa din kami, tsaka mas panatag ako na andyan sila para sayo pinoprotektahan ka" paliwanag sakin ni Renz habang nakatingin sakin.

Nasabi ko na yung gusto kong sabihin, gusto ko nang umalis kaso parang ayaw ko pa,

"Alis na ko" nasabi ko din, tumango lang sya sakin.

Tuluyan na kong umalis sa gym, dumeretso na ko sa room.

_

"Himala hindi sumabay satin yung nga asungot hahahha"

"baka namiss nila si Renz" sagot ni Aj sa sinabi ni Arian. Nasa kabilang pwesto kasi sila David kasama bila si Renz, lunch namin ngayon.

"San pala kayo galing at bakit mo naman naisipang umalis ng school?" tanong naman ni Val, oo nga pala hindi pa nila alam hahahah,

"Tsaka bakit sugat sugat ka? Katangahan na naman pinairal mo hahahha"

"Oo Aj katangahan talaga hahahah, nadapa kasi ako pagbaba ko ng motor ni David... Inaya ko si David sa pasyon, ang aga kasi naming dumating kaya yun" paliwanag ko

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon