Kabanata 68

24 2 1
                                    


~~~~~

Hindi ko alam kung lalapitan ko sila o titigan lang. Baka pag nilapitan ko sabihin feeling close ako, nahihiya pa ko sa kanila, yung nangyari sa bahay ng lolo nila.

Kumaway ulit sakin si Eric. Tumayo na ko at pupunta? Sa kanila? Nakakahiya

Papalapit na ko sa kanila, nginitian ko lang sila, lalagpasan ko na sana pero binati ako ni Eric.

"Hi Nadia"

"Hello" bati ko rin sa kanila. Ngiti ang sinagot sakin nung babaeng tabi ni Eric, girlfriend nya ata. Naalala ko isa sya sa may girlfriend. Si Zack nginitian din ako. Inayos ni Zack yung upuan sa tabi nya, umupo naman ako.

"Nadia girlfriend ko, si Dara. Dara si Nadia" pakilala ni Eric.

"Kayo lang andito?" tanong ko

"Oo" sagot ni Zack

"Nadia bakit parang nahihiya ka? Para hindi ka namin naka bonding, wag ka mahiya hahaha" sabi sakin ni Eric.

"Gaya mo yan sayo ang kapal ng muka"

"Pag walang girlfriend, tahimik hahahha" pang - aasar ni Eric kay Zack

"gago!"

"Ang layo ng binyahe nyo. Anong ginagawa nyo dito?"

"Taga dito rin naman kami, nagbakasyon lang kami kila lolo" sabi sakin ni Eric

"Ang tagal na namin kumakain dito. Inyo pala to?"

"Zack isang beses pa lang natin nakikilala si Nadia parang responsibilidad nya pa na sabihin sayo na may restaurant sila hahahahha"

Natatawa na lang kami ni Dara sa mga sinasabi at pang - aasar ni Eric kay Zack.

"Bakit hindi nyo kasama yung dalawa?" tanong ko

"Busy daw sila"

Ahhh hahaha. Naiilang pa rin talaga ako sa kanila. Nahihiya ako dahil doon sa nangyari.

"Dalawa lang hinahanap mo, hindi tatlo?" nagtaka ako sa sinabi ni Eric.

"Si Alex at Rainer? Diba? Dalawa" sagot ko, tumawa pa sya. Mas lalo akong nagtaka

"Yung isa namin pinsan hindi mo hahanapin? hahahah"

"Kayo lang kilala ko, wala akong matandaan na ibang andun...bukod kay Renz" sagot ko sa kanya

"Yon! Hindi mo sya hahanapin?"

"Si Renz? Hindi, bakit ko naman hahanapin"

"Sus lagi kayong nagkikita noh? Hahahaha okay na ba kayo?"

"Iisa lang kami ng school"

"Bobo ka Eric. Wala ka sa ayos magtanong" sabi sa kanya ni Zack.

"Oo nga pala. Pero seryoso na...okay na kayo?"

"Wag ka na mangielam sa kanila"

"Nagtatanong lang naman. Ganyan ba talaga pag third wheel, ang sungit? Hahahha"

"gago!"

Speaking of Renz!! Hindi ko alam kung nakauwin na sya o andun pala. Nakalimutan ko mag text o tumawag, hayaan na nga muna. Ang dami ko pang iniisip, mamaya na sya.

Nagkwentuhan pa kami bago ko naisipan na magpaalam na.

"Maiwan ko na kayo, may gagawin pa pala ako"

"salamat" sabi sakin. Bakit sila nagpapasalamt hahaha

"ingat kayo pag-uwi" sabi ko at tumayo na ko.

Wala pang limang hakbang yung nagagawa ko palayo sa kanila, napatigil ko...Nakasalubong ko yung dalawa. Bakit sila andito

Sana lahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon