~~~~~Tumigil muna kami sa pagkanta. Sinabihan ni Hansel yung mga nanonood na meron pa raw, wag da muna sila aalis.
Pumunta kami ni Hansel sa isang gilid. Sumunod agad samin sila Arian.
"Thank you Nadia. Ang galing mo sobra. Kung pwede nga lang ikaw na pumalit sa vocalist namin na mainitin ang ulo. Thank you talaga sobra..."sabi sakin ni Hansel at niyakap nya ko" sorry din pala-"
" Wag kang mag sorry, hindi mo kasalanan. Nadala lang ako ng emotion, tsaka may nakikita rin akong umiiyak hehehe, nahawa lang ako" paliwanag ko kay Hansel.
"Sure ka? Pero sorry pa din...Pag may time ka gusto mo sumali samin-ayan na magaling na leader. Asungot..." biglang humina boses ni Hansel. Naging mataray din yung muka nya
"Dapat di ka na lang pumunta, nakahanap na kami ng papalit sayo!!" biglang sabi ni Hansel."Zack" tawag ni Arian. Titingin sana kami nila Aj sa likod namin kung saan sila nakatingin ni Hansel kaso nasa gilid ko na at nakalapit na samin
"Maghahanap ka na nga lang ng kapalit, iyakin pa" sabi ni Zack at tumingin sakin.
Nakipagbatian sya kila Eman at David."Sya vocalist nyo?" tanong ko kay Hansel. Tumango sya sakin,
"slash leader, slash asungot...Magkakilala kayo?"
Tumango naman kami sa kanya. Hindi ko alam na kumakanta si Zack. At may ganto syang group.
"Magkakilala kayo? Sya ba yung dahilan bakit ka umiyak?" biglang tanong ni Hansel. Umiling agad ako.
"Kala ko ikaw, papaltan ka na talaga namin. Pass sa nagpapaiyak" sabi ni Hansel kay Zack.
"Igagaya mo pa ko sa pinsan kong gago" sabi ni Zack kay Hansel
"So pinsan mo yung nag paiyak? Ay pass sa may pinsang nagpapaiyak" sabi pa ni Hansel
Nagpaalam na samin si Hansel, kailangan na daw kasi nyang kumanta baka raw ma bored yung mga tao. Ang magaling daw kasi nilang leader slash vocalist slash asungot wala daw sa mood kumanta. Pinipilit pa ko ni Hansel na samahan sya kaso wala na rin akong sa mood.
"Una na kami pre, hahatid ko pa sila" sabi ni David kay Zack
"Kasama nyo ba si Renz?" tanong nya
"Hindi. Hindi namin alam na andito rin sya" sagot ni Eman.
_
"bye ingat kayo" paalam namin ni Eman kila David, kami kasi ang una nyang hinatid.
"Ano Nad kaya pa? Hahahaha" tanong sakin ni Eman
"Sinasabi mo?"
"Yung kanina- San ka pupunta? Gabi na" tanong nya sakin.
"Maglalakad lakad lang"
"Nadia gabi na"
"Dyan lang ako sa tabi tabi"
"Kahit na-"
"Eman walang mangyayaring masama sakin"
Nagpumilit syang sasama sakin pero hindi ko sya pinayagan. Buti na lang rin nakita sya ng papa nya, kaya naglakad lakad na lang ako.
Ayoko pa kasi munang pumasok sa bahay, wala naman akong gagawin. Hindi pa rin ako inaantok, baka lalo lang akong mag drama kapag nasa kwarto na ko.Naisip ko na ikutin lang tong buong subdivision. Wala namang masamang nagyayari dito kaya nga kami dito lumipat kasi safe.
Kala ko ako na lang yung nasa labas meron pa palang iba. May nadadaanan akong magkakaibigan at meron din mag jowa.
Habang nag iikot ako, tumigil lang ako saglit sa isang tindahan para bumili at nanatili ako sa maliit na park para umupo. Hindi ko alam na nakakapagod pala tong ginagawa ko. Mga thirty minutes akong nakatambay lang dito sa park bago ko naisipan na bumalik na. Hindi ko nalibot lahat, napapahod na ko. Tsaka inaantok na rin ako mukang makakatulog agad ako pag-uwi ko, sana nga para wala na kong time para mag-isip pa ng kung ano ano.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020