~~~~~"Nadia magdadala ka ba ng sasakyan ngayon?" tanong sakin ni papa. Kasalukuyan kmaing kumakain.
Naalala ko yung sinabi ni Renz kahapon na sya raw maghahatid sakin. Hindi ko pa nga alam kung papayag ako.
"Hindi ko lang po sure, bakit po?"
"Kapag hindi, ipasusundo kita kay Dioshua. Birthday ng mama nya pinapapunta tayo. Mauna ka na dun at susunod ako" paliwanag sakin ni papa
"Pwede po ba kay Eman na lang ako magpahatid?"
"Eman? O kay Renz?" tanong ni papa at binigyan pa ko ng nakakaasar na ngiti. Hindi na lang ako sumagot. Gusto ko sanang gamitin yung sasakyan ko kaso si Renz...
"Una na ko nak, bilisan mo na dyan mukang naghihintay sayo sa labas" sabi ni papa at lumabas na ng bahay. Sumilip naman ako sa bintana at nakita ko na si Renz.
Nag-ayos na lang ako saglit at lumabas na.
Yung nangyari kahapon yung mga sinabi ko sa kanya, bakit dahil dun parang kinakabahan na ko pag nakikita sya. Juusko naman Nadia ano na naman nararamdaman mo! Tanga tanga kasi, wala sa plano ko na sabihin sa kanya lahat."Good morning" bati nya sakin
"morning" sagot ko naman pero hindi ko sya magawang tingnan. Anong nangyayari sakin!? Ang lakas ng loob ko kahapon tas ngayon hiyang hiya ako, hindi ko alam kung bakit!?
Pumasok na kaming dalawa sa sasakyan. Ang awkward talaga.
Pinikit ko na lang yung mga mata ko, hindi ko talaga maintindihan yung sarili ko ngayon."okay ka lang?" mahinahong tanong nya sakin. Tumango lang ako sa kanya. Kala ko aandar na kami pero hindi pa? Tsaka ko lang sya tiningnan.
"Bakit hindi pa tayo umaalis?" tanong ko
"Okay ka lang ba talaga?" tanong nya ulit. Ang kulit nya
"Gusto mo ba ng totoong sagot?" panghahamon ko sa kanya, nakatingin lang sya sakin. " Hindi ako okay. Renz hindi ako comfortable satin. Ngayon, kung ano man tong ginagawa mo o ano hindi ako comfortable. Naiilang ako. Hindi ako okay" paliwanag ko sa kanya
"Bakit?"
"Bakit? Yun nga e, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam sa sarili ko. Ewan. Hindi ko alam." naiinis na sabi ko. Tumingin na lang ako sa labas. Naiinis na ko. Bahala sya dyan.
"love" tawag nya. Parang pangalan ni Angela naka auto irap talaga yung mata ko.
"love -"
"Nadia ang pangalan ko" sabi ko sa kanya. Nakita ko bigla si Eman na papalabas pa lang bahay nila-
"Sakin ka tumingin"
Nakakainis talaga. Boss ba sya? Tumingin ako sa kanya, masamang tingin yung binigay ko. Nakakainis sya. Sana yung sasakyan ko na lang ginamit ko baka kanina pa ko nasa school.
"ano?" inis na tanong ko"love-"
"Nadia sabi!! Ako Renz tigilan mo ko ha. Sirang sira na yung araw ko, bwisit ka. Kung tinatamad ka mag drive alis dyan ako ang mag d-drive!abala ka. Masyado kang feeling! Oy Renz Savilla-"
"Yes Mrs. Savilla?"
Aaarghh tangina talaga. Pano nya nagagawa to!? Ako inis na inis dito tapos sya paganyan ganyan lang, nakakangiti pa sya.
Mrs. Savilla? Ano ako nanay nya!?
"Mrs. Savilla? Asa ka!! Oy Renz! Hindi porke sinabi ko yung kahapon okay na tayo!! Hindi yun ang gusto-"
"Ano bang gusto mo? Bakit mo pa sinabi sakin yun kung hindi naman pala tayo magiging okay, hhmm?" sabi nya gamit ang mahina tono ng pananalita nya. Unti unti rin syang lumalapit sakin.
Hanggang sa maitukod nya na ang isa nyang kamay sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Sana lahat
Teen FictionSANA LAHAT "tatlong taon, tatlong taon pagkakagusto, tatlong taon na paghahangad... magiging worth it ba talaga lahat?" worth it pa rin ba kahit parang ang toxic na ng lahat? - Oct. 2020