"Paalam, Nanay!"

128 4 2
                                    


Hindi ko magawa ang ika'y tingnan
Sakit sa aking puso'y di ko kayang pigilan
Hindi ka nababagay sa bago mong higaan
Lalong hindi libingan ang bago mong tahanan.

Bumangon ka, nandito na ako!
Punasan mo ang umiiyak kong puso
Nangungulila sa mga yakap at halik mo
Pakiusap, tumayo ka at kanlungin mo ako.

Hindi ganito ang usapan natin
Ang makita kang nakahimlay sobrang bigat sa 'king damdamin
Ayokong makarinig ng malulungkot na mga awitin
Hindi ko pa matanggap na wala ka na sa aming piling.

Ang dami pa nating mga plano at pangarap
Ngunit ngayon bigla kang nawala sa isang iglap
Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nadarama
'Di ako makapaniwalang ika'y lumisan na parang bula.

Paano na ako ngayong wala ka na?
Hindi ba't kay sakit sa t'wing uuwi akong 'di na kita makita?
Puntod mo na ang bago nating tagpuan
Ang lugar na ayaw kong puntahan at masilayan.

Alam kong ang buhay mo'y hiram lamang
Mahirap tanggapin ngunit kailangan
Hiling ko'y matagpuan mo ang tunay na kaligayahan
Sa piling ng Diyos Ama, hindi ka nya pababayaan.

Maraming salamat, Nanay!
Sa buhay at sakripisyo mong walang kapantay
Ang mga ala-ala mo'y kailanman hindi mamamatay
Sa aming puso't isipan mananatili kang buhay.

Patawad sa mga nagawang kong kasalan
Sa mga pagkakamali na 'di ko maiiwasan
Damdamin mo'y nasaktan ko man minsan
Ako'y iyong patawarin pagkat ako ay tao lamang.

Alam kong mga landas nati'y muli ring magtagpo
Sa mundo kung saan nag-uumapaw ang saya sa 'ting mga puso
Sana mahintay mo ako sa pagkakataong ito
Pangakong hindi na ako lalayo sa piling mo.

Paalam, Nanay!
Alam kong masaya ka na sa piling ni Tatay
Ang inyong pagmamahalan ay talagang panghambuhay
Wagas, totoo at wala ng makakapaghiwalay.

March 13, 2021. 2:00PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon