"Isa, Dalawa, Tatlo, Takbo!"

3.2K 41 0
                                    


Kasabay ng sigaw ng mga tao
Kaba sa puso mo'y di maitago
Nginig sa paa'y di na humihinto
Mga paa yata'y mapapasubo.

Sa una'y mukhang masigla pa
Mga ngiti sa labi'y ka aya-aya
Ngunit kalauna'y biglang nanghina
Ang mukha'y di na maipinta.

Ang mga ulap ay iyong tingnan
Bawat hakbang mo ika'y binabantayan
Sa ngayon ikaw ang hari ng daan
Matapos mo din yan kahit dahan-dahan.

Kilo-kilometro man ang iyong tatakbuhin
Di ito hadlang upang takbo'y di tapusin
Tumakbo ka kahit saan ka aabutin
Hanggang makita mo sa langit ang mga bituin.

Isa, dalawa, tatlo, takbo!
Sabi ng isipa'y wag susuko
Kahit katawa'y naghihingalo
Mga paa mo'y piliting tumakbo
At sundin ang tibok ng iyong puso.

Wag mong isiping ika'y mahina
Pangarap mo'y may isang salita
Ang kakayahan mo'y wag ikahiya
Tulad nila, tumakbo ka ng Malaya.

- This Poem is dedicated to all my fellow Filipino and Non-Filipino athletes and friends who loves running.

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon