"Crush Kita"

2.7K 49 13
                                    


Nang una pa lang kitang nasulyapan
Iba na ang aking nararamdaman
Puso ko'y kay lakas ng kabog
Parang bulkan na biglang sasabog.

Lalo na pag nasa harap kita
Ako'y biglang matataranta
Mga mata ko'y sayo lamang nakatingin
Hanggang sa ako'y iyong mapansin.

Mahiyain kasi itong puso ko
Kaya pilit kong tinatago
Ang tunay na tibok ng dibdib ko
Puso ko pala'y may lihim na pagtingin sayo.

Minsan nga pag makita ka
Mukha ko'y napakasaya
Makita lang kitang nakangiti
Sarili ko'y di na mapakali.

Kahit alam kong di mo ako gusto
Dahil nga magkaiba ang ating mundo
Puso ko'y di parin magbabago
At patuloy na magmamahal sayo.

Masaktan man ako o hindi
Paghanga ko sayo ay manatili
Mag-iba man ang tingin mo sa akin
Hindi parin magbabago ang tibok ng aking damdamin.

- April 2008

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon