Isang umaga sa aking paggising
Kay lamig ng simoy ng hangin
Oh! Kaya sarap damhin at yakapin
Kaya't mata ko'y nakapikit at humihiling.Isang liwanag ang aking nakikita
Tila may anghel na kumakanta
May angking saya sa kanilang mukha
Ito na kaya ang paraisong sinasabi nila?Hindi! Hindi ako nagkakamali
Sakit ng puso ko'y di maikubli
At sarili ko'y hindi mapakali
Gustong makalaya sa pagkatali.Ngunit kailangan kong tanggapin
Na ako'y wala na sa inyong paningin
Damhin mo ang sakit ng pangungulila
Sa huling awit sabay tayong kumanta.Hindi ko nilisan ang mundo
Kaluluwa ko lamang at hindi ang puso
Dugo ko'y patuloy na pipintig sa inyong pulso
Mga alaala ko'y syang gigising sa umaga mo.Kung ako ma'y tuluyang lumisan
H'wag mo sanang isiping ika'y iniwan
Sundan mo ang sikat ng araw sa kanluran
Sapagkat ako'y maglalakbay lamang.- March 7, 2018 3:09PM
![](https://img.wattpad.com/cover/115481225-288-k265500.jpg)
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoezieMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂