Dugo't pawis ang kanilang puhunan
Araw at gabi sila'y nakikipagsapalaran
Sa kabila ng hirap nilang pinagdadaanan
Tanging Pamilya ang takbuha't sandigan.Kayod kalabaw kung sila'y magtatrabaho
Katawa'y kasing tigas na ng bakal pati kamao
Bawat patak ng kanilang pawis katumbas ay ginto
Ngunit nakagapos parin sa kakarampot na sweldo.Mahirap ang kanilang araw-araw na gawain
Mabibigat ang nakalaang mga tungkulin
Hindi biro ang pagod na dinadaing
Pikit matang trabaho'y tapusin.Patuloy parin silang lumalaban
Tinitiis ang init ng sikat ng araw sa kalangitan
Susuongin ang anumang hamon na nakaabang
H'wag lamang magutom ang pamilyang kumakalam ang tiyan.Hangad din nilang umasenso sa buhay
Ngumiti habang nalulumbay
Umaasa t'wing sisikat ang bukang liwayway
Nangangarap na isang araw makamtan din ang tagumpay.Pagpupugay sa lahat ng Uring Manggagawa sa buong mundo
Kayo ang tunay na mapagpalayang hukbo
Mataas na saludo at respeto sa inyo
Maraming salamat sa di matatawaran ninyong sakripisyo.-May 1, 2020 11:32AM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoesíaMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂