Mali man ang ibigin ka
Ngunit iba ang sinasabi ng aking mga mata
Ikaw ang nagbibigay sa 'kin ng ligaya
'Di ko maitago ang saya sa aking mukha.Alam kong wala akong puwang sa puso mo
Ako'y di nawalan ng pag asang isip mo'y magbago
Handang mag hintay itong alipin kung puso
Aabutin mang gumuho ang ating mundo.Maraming beses man akong nasaktan
Pa ulit-ulit mang uwuwi ng luhaan
Di ito dahilan upang ika'y aking kalimutan
Kahit bawal kaya kitang ipaglaban.Ako'y naniwala sa 'yong mga pangako
Sa mga matatamis mong salita ako'y napasagot mo
Di ko akalaing puso ko'y nabihag mo
Tadhana talaga'y sadyang mapagbiro.Ngunit sa haba-haba ng panahon nating pagsasama
Pag-ibig mo sa 'kin unti-unting nawawala
Pati mga ngiti mo sa labi'y wala ng sigla
Titig ng dalawa mong mata'y tulad na ng agila.Mga alaala natin h'wag mo sanang kalimutan
Bawat mga halik mo'y nagpapainit sa aking katawan
Kahit muntikan na akong malunod sayo ng lubusan
Tanggap ko na ang puso mo ay hiram lamang.- March 17, 2018 8:45AM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoésieMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂