Mapagmahal na anak, ina at magulang
Mabuting kasama at kaibigan
Mabait at may pusong ginintuan
Matulungin lalo na sa mga nangangailangan.Sya ang tipong magaan kasama
Ang taong may pintang saya ang mukha
Sa simpleng biro mo'y wagas kung tumawa
Tila ba'y walang pasan-pasan na problema.Wala syang inaatrasang laban
Kahit pa minsa'y nababagsakan sya ng ulan
Hindi iyon naging hadlang sa kanyang daan
Bagkus sarili nya'y muling hinamon sa panibagong digmaan.Katulad ng matarik na bundok
Parangap nya'y abutin ang tuktok
Di man biro ang kanyang tatahakin
Kaya nyang lagpasan ang bawat panganib sa bangin.
Maraming beses man syang sinubok ng panahon
Sadyang sarili nya'y matibay pa sa isang pundasyon
Pilit nilalabanan ang bawat hampas ng alon
Sarili'y h'wag lang tuluyang malunod sa balon.Sa bawat padyak ng kanyang mga paa
Katumbas ang panibagong pag-asa
Sa bawat takbong inaabot ng ilang milya
Ni minsa'y di napapagod ang puso't isipan nya.Sadyang matapang at determinado
Nasasaktan kung minsa'y bigo
Ngunit may isang salita at buo ang puso
Yan si Kem Tsu, tunay at totoong tao.-August 19, 2018 5:30PM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂