Sa aking pagtulog sa gabing nabalot ng katahimikan
Hiling ko'y h'wag sanang makita ang 'yong anino sa kalawakan
Pagkat luha sa aking mga mata'y di ko kayang pigilan
Kapag mukha mo ang s'yang bubungad sa aking harapan.Nanatili paring nakatusok ang tinik sa 'king puso
Ramdam ko parin ang sakit na biglang dumapo't nakakalumpo
Para bang pintig ng puso ko'y bigla nalang hihinto
Di magawang piligan ng utak kong walang silbi at tolero.Ayoko ng hintayin pa ang pag sikat ng bukang liwayway
Kung ikaw lang din ang makikita ko sa malayo't kumakaway
Mas nanaisin pa ng aking kaluluwa ang tumalon sa tulay
Kesa dahan-dahan mo akong pinapaslang bago tuluyang mamamatay.Pasakit! Pasakit! Puro nalang pasakit!
Tunay na pag-ibig kailan kaya kita makakamit?
Akala ko noong una'y nakaakyat na ako sa langit
Daig ko pa yata ang mga nasalanta ng bagyo't mga bakwet.Sana'y katulad ako ng mga ibong lumilipad
Hindi 'yong tipong may sakit at nagmumukmok sa pugad
Tila ba'y isang sisiw na umiiyak at palakad-lakad
Balang araw ang pakpak ko'y malaya ding makakalipad.-June 24, 2018 10:33PM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoezieMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂