"Bangon Marawi"

2.6K 15 0
                                    


Isang araw sa 'yong pag gising
Nabalot ng kaba ang 'yong damdamin
Ramdam mong may problemang paparating
Isang masamang panaginip na dapat ilibing.

Sa pag sapit ng dapithapon
Anino mo'y nakatago sa isang kahon
Kaliwa't kanan ang putukan ng kanyon
Ang mga apo'y tila buga ng isang dragon.

Katawan mo'y naligo ng dugo
Mukha mo'y nakatingin lamang sa malayo
Alam kong malalim ang sugat sa 'yong puso
Kaya sarili'y di mo magawang itayo.

Walang liwanag ang umaga
Ang isip mo'y naglakbay sa kalsada
Di mo alam kung saan pupunta
Ang kaluluwa mo'y naghahanap ng hustisya.

Bangon Marawi!
Tama na ang pagdadalamhati
Lumaban ka sa mga pang-aapi
At muling pandayin ang 'yong sarili.

Imulat mo ang iyong mga mata
Ang sikat ng araw ay nakangiti na
Ang kalangita'y di na luluha pa
Hudyat ng iyong paglaya sa malagim na trahedya.

- I dedicated this Poem to all the victims of a war tragedy in Marawi City.

- November 18, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon