"Setenta Y Seis"

361 5 0
                                    


Ayoko sanang makitang ika'y tumatanda
Ngunit 'di ko kayang pigilan ang takbo ng tadhana
Makita ko lamang ang ngiti sa 'yong mga mata
'Di ko mawari ang saya na aking nadarama.

Kung sana'y maibabalik ko lang ang kahapon
Tiyak walang masasayang na oras at panahon
Pagkat mahalaga ang bawat ikot ng buwan at taon
Sana'y walang nalalagpasan na pagkakataon.

Sakali mang isipan mo'y bumalik sa pagkabata
Tutulungan ka naming ungkitin ang ating mga alalala
Aalagaan ka namin kung paano mo kami inaruga
Bubusugin ng masusustansyang pamamahal at pag kalinga.

Kung darating man ang panahong 'di mo na magawang tumayo
Kami ang mag silbing mga paa na aakay sayo
Kung 'di mo na rin marinig ang ingay ng mundo
Kami ang iyong taga pagbalita't taga pagkwento mo.

Maraming salamat sa wagas mong pagmamahal
'Di kayang tumbasan ng anumang bagay na materyal
Sana'y makasama ka pa namin ng kay tagal
Dalangin namin dinggin nawa ng Poong Maykapal.

Nay, mahal na mahal ka namin
Ikaw ang natatanging bituin sa aming paningin
Ang gabay sa landas na aming tatahakin
At ang ilaw na mag silbing liwanag sa aming mga mithiin.

Buruin mo, Setenta Y Seis ka na!
Sa edad mong 'yan ay hindi naman halata
Pero biro lang baka ika'y kiligin at agad maniwala
Maraming salamat sa ating mahal na Ama sa pinagkaloob nyang biyaya.

-May 3, 2020 12:35AM

Dedicated this Poem to my beloved Nanay on her 76th Birthday! ❤️

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon