"Bayang Puno Ng Karimlan"

2.7K 13 6
                                    


Ang Bayang Pilipinas, Bayang pinagpala
Bayang puno ng likas na yaman, puno ng biyaya
Bayang dati ay tahimik at payapa
Bayang minamahal ng bawat isa.

Ngunit sa paglipas ng mahabang panahon
Bayang sinisinta'y inulan ng mga pagsubok
Patuloy na pinagsamantalahan at pinabayaan
Bakit ika'y lubusang pinapahirapan?

Anong meron ka? Bakit sabik silang agawin ka?
Dahil ba sa ubod ka ng ganda?
Ang iyong dangal ay di na alintana
Makuha lang ang gusto nila.

Ramdam naming gusto mo pang mabuhay
Ngunit unti-unti kang pinapatay
Buhay namin sa'yo handang ialay
'Wag lang buhay mo'y tuluyang mahandusay.

Bumangon ka sa iyong pagkadapa
Sabay nating sugpuin ang mga sawa sa pulitika
Sa kanilang mga pangako ika'y pinaasa
Problema mo'y bigyan ng lunas at wakasan na.

Katawan mo'y hubad sa kahihiyan
Mukha mo'y di kayang takpan
Maraming problema ang iyong pinagdaanan
Ika'y Bayang puno ng karimlan.

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon