Pangarap mong makaahon sa hirap ng buhay
Nangibang bansa bilang kasambahay
Maraming balakid man ang naghihintay
Ngunit di mo hinangad na maging bangkay.Pangungulila sa pamilya pilit nilabanan
Ang pangingibang bansa'y tila isang digmaan
Hindi biro ang mag silbi sa mga dayuhan
Ngunit lahat ay gagawin para sa kinabukasan.Ngunit tila malas ang iyong paglalayag
Sarili mo'y ginapos at binihag
Kinulong sa kwartong walang sinag
Hiling mo'y makita sana ang liwanag.Isang araw pumutok ang masamang balita
Katawan mo'y naninigas sa malamig na kama
Pinaslang ka ng walang kaawa-awa
Buong sambayana'y sigaw ay hustisya.Walang gabing hindi ka iniisip
Nang pamilya mong di magawang umidlip
Nais na mayakap at mahagkan ka
At ikulong sa mga bisig ng iyong mahal na Ina.Katarungan ang kanilang sigaw
Buhay mo'y kinitil ng isang halimaw
Dapat lang nila itong pagbayaran
Sapagkat pamilya mo ang nawalan.Magpahinga ka na't h'wag ng umiyak
Nais nilang marinig ang iyong halakhak
Lumipad ka't sumabay sa ibong malaki ang pakpak
Sa iyong puntod sisibol muli ang panibagong bulaklak.- I dedicated this Poem to my fellow OFW named Joanna Demafelis from Iloilo City, Philippines who was brutally killed in Kuwait last 2016; her remains were discovered inside a freezer.
February 19, 2018 10:47AM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂