Siyam na taon na pala ang lumipas
Parang kailan lang ng huli tayong nag kwentuhan sa salas
Maraming pangarap, maraming pinaplano
Ngunit lahat ng iyo'y biglang naglaho.Masakit parin kung aking balikan
Mga ala-ala nating hindi mapapantayan
Anong limot ang gawin ay di kayang kalimutan
Pagkat ang iyong kabutiha'y nanatiling nakaukit sa aking puso't isipan.Walang araw, gabi na hindi kita naalala
Ni minsan hindi ako nakatanggap sayo ng masasamang salita
Bagkus minahal at tinanggap mo ako mula pagkabata
Kaya't ganun na lamang ang aking paghihinagpis ng ika'y nawala.Tatay, ako'y lubos na nangugulila sa iyo
Wala na akong mahanap na isang Ama na katulad mo
Mapagmahal, may malasakit at may tunay na puso
Hiling ko sana'y muli tayong magtagpo sa kabilang mundo.Kung saan ka man naroroon ngayon
Alam kong kasama mo ang ating mahal na Panginoon
Minsan ma'y di ko mapigilan ang aking emosyon
Ako'y nagpapalabas lamang ng sakit ng kahapon.Mahal kita, mahal ka namin
Mga magagandang ala-ala nati'y kay sarap sariwain
Para kang unan na kay sarap yakapin
Nawa'y may siglang ngiti muli sa aking paggising.- June 17, 2018 9:34AM
Dedicated this Poem to my beloved Father on his 9th year Death Anniversary today June 17, 2018
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂