Hindi ko alam kung paano magsisimula muli
Tila ba'y mga pangarap ko ay wala ng silbi
Isipan ko'y palipat-lipat ng lipad na parang tutubi
Lalo na ngayong wala na kayo sa aking tabi.'Yong akala kong magkakasama parin tayo
Ngunit madaya kayo at iniwan nyo na ako pareho
Mundo ko'y gumugo na akala mo'y winasak ng bagyo
Kaya't bigla ding huminto ang pintig ng aking pulso.Hindi ba't magkasama pa tayong nangarap?
Sa katunayan, ang mga plano nati'y unti-unti ng umuusad
Kasabay naman nito ang bigla ninyong paglisan
Kaya't mga pangarap natin tila ba'y napipilayan.'Di biro ang mawalan ng mga magulang
Bigat sa aking balikat hindi ko kayang takpan
Anong pilit kong gawin sadyang 'di ko kayang pigilan
Para akong nalumpo ng hindi ko nararamdaman.Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nadarama
Patak ng aking luha tila ba'y hindi na huhupa
Kirot sa 'king puso'y parang hindi na maghilom pa
Tanging mga magagandang ala-ala na lamang ang matitira.Kahit wala na kayo dito sa mundong ibabaw
Mananatili kayong liwanag katulad ng sikat ng araw
Hintayin nyo ako sa panibago nating paglalakbay
Muli tayong magsamang mangarap sa kabilang buhay.March 28, 2021. 11:42AM
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
ŞiirMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂