Ikaw ang talang ubod ng ganda
Kaakit-akit ang 'yong mukha
Pinapangarap na ika'y makita
Ngunit sa isang iglap ganda mo'y nalanta.Ikaw ang talang paborito ng bagyo
Sarili mo'y dahan-dahang nawalan ng pulso
Katawan mo'y tila inanod na troso
Di mahagilap kahit ang iyong anino.Ikaw ang talang napalibutan ng likas na yaman
Ang talang nagniningning ang kagandahan
Ngunit biglang napasabak sa digmaan
At ang ulo mo'y unti-unti nilang pinugutan.Luzviminda ang tawag sayo
Tatlong pulong napalibutan ng paraiso
Nag-iisa kang sinta ng buong Pilipino
Ngunit mundo mo'y dahan-dahang gumuho.Nagluluksa pati ang Buwan
Walang liwanag sa madilim na daan
Kailan ka muling kikilos at lumaban?
Tumayo ka't sugpuin ang puno't dulo ng kahirapan.Magkaisa tayo sa ating mithiin
Ang sungkitin ang mga bituin
Halina't sumakay sa pakpak ng lawin
Pangarap ng ating bansa'y lumaya't di magpaalipin.- February 10, 2018
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoesíaMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂