"Ngayon, Bukas, sa Makalawa"

483 5 2
                                    


Sa gabing isip ko'y di mapakali
Sakit sa puso'y di maikubli
Pilit tinatagao ang mga ngiti
Kailan ka pa kayang iibig muli?

Ngayon ang tamang oras
Upang buksan muli ang pusong naka rehas
Pagkat ang katulad mo'y isang Perlas
Na dapat ingatan at siguraduhing ligtas.

Bukas ngingiti din ang araw
Tanaw ko na ang anino mong nakadungaw
Sa gabi ikaw ang nag-iisang tanglaw
Nais ng mga paa ko ika'y isayaw.

Sa makalawa'y may naghihintay
Isang butil ng pag-ibig ang tanging alay
Ngiti mo sa labi'y walang kapantay
Pagkat hangad kong ibigin ka ng dalisay.

Ngayon, bukas at sa makalawa
Mga puso natin ang nakatadhana
Tayo'y mangarap ng malaya tulad ng lipad ng agila
Upang ang puno ng ating pagmamahala'y mamunga sa tuwa't ligaya.

- January 15, 2018 1:43PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon