"Kapit Lang"

140 2 0
                                    

Ito ang unang araw ng nasilayan mo ang mundo
Bitbit ang panalangin na sana'y hindi mapako
Ngunit sadyang ang buhay natin ay mapagbiro
May mga bagay na nagpapapuot sa ating puso.

Isang araw winasak ng unos ang iyong mga pangarap
Tila ba'y naglahong parang bula sa isang iglap
Sana'y masamang panaginip lamang ito
Sana'y hindi mo naranasan ang lupit ng bagyo.

Alam kong nahihirapan ka na
Palihim na umiiyak sa likod ng maskara
Pilit mong nilalaban ang hamon ng tadhana
Tunay kang matapang na parang isang agila.

Katulad mo ang mga butuin sa kalangitan
Ubod ng ganda kong ito'y iyong titigan
Nagbigay liwanag sa madilim mong pinagdadaanan
Pansamantalang pumawi sa iyong kalungkutan.

Happy 18th Birthday, Bing!
Ramdam ko ang mga ngiti sa iyong labi
Nawa'y tuparin ng langit ang iyong hinihiling
At haplusin ang kirot na iyong dinadaing.

H'wag ka sanang mawalan ng pag-asa
Sadyang ang buhay natin minsa'y nakakawala ng gana
Ngunit alam kong 'di ka pababayaan ng mahal na Ama
Isang araw may kinang muli sa iyong mga mata.

Kapit ka lang, h'wag kang bumitaw!
Nais naming isayaw ka ngayong araw
Sapagkat napaka espesyal ang oras na ito para sayo
Tandaan mong mahal na mahal ka ng buong pamilya't kaibigan mo.

Get well soon, Bing! Lablab kaw namu. 😍

-October 26, 2021   10:30AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon