"Panaghoy ng Inang Bayan"

1.1K 6 0
                                    


Hindi digmaan ngunit nagdanak ang dugo
Dugong dumadaloy galing sa 'yong puso
Naging pula ang kulay ng 'yong panyo
Na sana'y pamunas ng mga pawis sa mukha mo.

Kailan ka ba muling babangon?
Tumayo ka bago mag dapithapon
Lumaban ka sa alon ng panahon
Ika'y dapat na malaya katulad ng mga ibon.

Oh! Aking Inang Bayan
H'wag kang magtago sa likod ng buwan
Lungkot sa 'yong mukha'y di kayang takpan
Panaghoy mo'y di namin malilimutan kailanman.

Problema mo'y dapat na bigyan ng pansin
Ang paghihirap mo'y dapat na lutasin
Sarili mo'y h'wag hayaang maging alipin
Pagkat ika'y Inang Bayan na dapat na mahalin.

Mata mo'y h'wag ng paluhain pa
Sakit ng kahapo'y ibaon na sa lupa
Bumangon ka't labanan ang pagluluksa
Dahil hangad namin ang ika'y lumaya't lumigaya.

- January 29, 2018

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon