Isa kang talang nahulog mula sa langit
Ang ganda mo'y nagliliyab sa init
Pangarap kong makasama ka kahit saglit
Ika'y Sintang Marikit at kaakit-akit.Ikaw ang liwanag ng buhay ko
Lahat ay gagawin para sayo
Kayang lagpasan ang anumang bagyo
Basta't ika'y katabi sa pag tulog ko.Hiling ko sa bilog na buwan
Sana'y h'wag akong pahirapan
Sabay nating tahakin ang madilim na daan
Pagkat ikaw ang ilaw ng aking isipan.Sa araw at gabi ikaw ang iniisip
Mata ko'y nakapikit ngunit pilit na sumisilip
'Di ko magawang umidlip
Baka magbago ang takbo ng aking panaginip.Oh! Aking Sintang Marikit
Dinggin ang hiling ng matang nakapikit
Sundan mo ang ihip ng hangin
At sumakay sa pakpak ng lawin.Hayaan mong mahalin kita
Pangakong di ka na luluha
Sabay tayong magtanim ng magagandang ala-ala
At magkasamang anihin ang darating na umaga.- January 11, 2018
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂