"Sa Lungkot at Ligaya"

256 5 0
                                    

-ThePowerOfThreePlusOne

Nag umpisa tayo sa takbuhan
Nauwi sa seryosong pagkakaibigan
Ang noo'y mga walang hilig sa karerahan
Lalong hindi nagpapaawat pagdating sa kaininan.

Di ko na maalala kung saan tayo nagsimula
Tila ba'y hangin na di ko nakikita ngunit damang-dama
Kasabay ang pagsibol ng binhing nakabaon sa lupa
Ang pagkakaroon ng masaganang bunga.

Sa bawat oras ng pagsasama natin
Laging nag-uumapaw sa tuwa ang ating mga damdamin
Ang ating mga bibig ay halos di na kayang tuklipin
Kaya't sa kakatawa'y tiyan napuno ng hangin.

Tayo'y magkakasama sa lungkot at ligaya
Ang pagkakaibigan nati'y kasing higpit ng bigkis ng Ina
Kaya't para bang may puwang kung wala ang isa
Pagkat isang pamilya ang ating nakalamuha.

Salamat sa pagkakaibigan nating puno ng kantyawan at kulitan
Sa mga panahong inaabot tayo ng umaga sa daan
Sa walang humpay at kwentang usapan
Na syang nagpapatibay lalo ng ating samahan.

Hanggang sa muli nating pagkikita
Muli tayong lumikha ng mga magagandang ala-ala
Tulad ng dati kung saan tayong nag-umpisang kumain
Alalahanin mong mahal na mahal ka namin.

-August 2, 2018   11:15PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon