Besh, hindi mo na sya pagmamay-ari
Kaya h'wag mo ng pilitin ang 'yong sarili
Malas ka dahil hindi ikaw ang pinili
Masakit ngunit h'wag kang mag bigti.Kunyare ka pang mahal ka nya
Di mo na nga natikman ang lasa ng mga luto nya
Kahit sa pag tawag ay di na nya magawa
Ang mahalin ka pa kaya?Move on na Besh
Tama na ang 'yong paghihignapis
Baka katawan mo'y bahayan na ng ipis
Hahanap hanapin din nya ang 'yong mga bungisngis.Tama na ang mga luhang nasasayang lang
H'wag kang magpakalunod sa bangang walang laman
Mga apak ng kanyang paa'y h'wag ng sundan
Puso mo'y h'wag ng pahirapan.Akala mo naman katapusan na ng iyong mundo
Besh, h'wag kang tanga marami pa silang nakaabang sayo
H'wag mong hayaang mabulok lang ang ganda mo
Pagbigyan mong umibig muli ang iyong puso.Besh, mahal mo nga sya ngunit iba ang mahal nya
Kaya puso mo'y palayain na
Tumayo ka at muling rumampa
Malay mo baka sa daan mo lang din sya makilala.Ganun talaga ang buhay pag-ibig
Parang agos lang yan ng tubig
Walang kasiguraduhan kung hanggang saan
Ang alam mo'y nagmamahal ka lamang.- This Poem is dedicated to all broken hearted individuals who are suffering pain because of love failure. Stand and embrace the reality, it is not the end of the world yet. Look up and dream high one day you will find the real one for you.
- October 26, 2017
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PoetryMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂