"Minsan Lamang"

327 5 0
                                    


Paumanhin kung hindi ko napaunlakan ang iyong pag anyaya
Dito sa aking damdamin ay may kurot na ligaya
Pero h'wag labis ang agam-agam sa pagkain
Ako'y isang tunay na kaibigan at sadya lamang na ang aking landas ay puno ng balak at suliranin.

Maaring ang susunod na oras o mga araw ay may hatid na kasiyahan
Kaya sana h'wag kang mag tampo mahal na kaibigan
Napangiti ka kahit na ikaw ay nag-iisa sa kasalukuyan
Parang talutot ng mga tuyong bulaklak at dahon na tinangay na ng hangin sa malawak na kawalan.

H'wag mong hayaang maglaho na parang bula ang iyong mga likha
Bagkus muli mo dapat balikan ang mga nakagapos sa iyong nakaraan
Piliting balikan ang mga gumuguni-guni sa iyong isipan
At ipahayag ang mga damdaming minsan ng naglakbay sa kalawakan.

Maaring marami na ang nakalimot
Pero pag ang hangin ay dumampi sa iyong balat kasabay ng musika ang dulot
Maglalakbay pabalik ang mga alaala at muling mamumutawi sa mga labi ang mga katagang puno ng panghihinayang
Ganunpaman mananatili parin ang dati ng naging minsan nalang.

Kaya't h'wag ka sanang mawalan ng pag-asa habang ang mga mata mo'y makakita pa
Habang tumitibok pa ang pulso ng iyong puso
At habang naririnig mo pa ang bawat salita na lumalabas sa bibig mong may dalang pag-asa
Dahil katumbas nito ay ang walang humpay na ligaya.

- Gawa ng dalawang akda, salamat Kuya Gary Turno!

- February 21, 2018  10:25PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon