Di ko alam....Di ko alam....
Kung ano ang gagawin
Sa buhay na aking haharapin.Di ko alam....
Kung bakit puro problema nalang ang nasa isip ko
Problema sa pamilya, pag-ibig, pera't trabaho
Problemang walang makakasagot sa mga katanungan ko.Di ko alam....
Kung bakit masakit isipin
Na ang isang katulad ko
Tila hindi man lang nabigyan ng pansin
At ramdam kong minsa'y wala kaming lugar dito mundo.Di ko alam....
Kung bakit minsan iba ang aking nadarama
Kay bigat parin ng problemang dinadala
Sana pag gising ko sa isang umaga
Lahat ng problema'y maglaho na tila parang bula
At di na muling magbalik at manggulo pa sa t'wina.At lalong hindi ko alam....
Na hindi lang pala dito nagtatapos ang buhay
Magtiwala kang puso mo'y isang dalisay
At ang dating walang sigla ay mayroon din palang saysay
Mahirap ngunit mayasang mabuhay
Ang malawak mong kaisipan ang magsilbing gabay
Tawanan mo lang ang problema kahit mag-isa kang maglakbay.- April 2008
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Book 1) Published by: Ukiyoto
PuisiMga tulang nabuo sa aking malawak na imahenasyon at kaisipan! 😂